Chapter 5

1546 Words
FEBRUARY 08, 2019 Alleona's Pov Nagyayang uminom ang mga classmate ko dati sa mga minor subjects na mga naging kaibigan ko na ngayon. Hindi na rin ako tumanggi dahil parang nauuhaw ako chill first before plates lol. Kasama ko na sina Zia,Iya, Vince, Nica, Lyne, Ryan at Mari. Susunod na lang ang iba kung sino man sila. Sila yong mga kaibigan ko na sobra solid. Hindi toxic at walang kaplastikan sa isa't-isa wala lang blessed lang ako na meron akong mga kaibigan na totoo. "Ally" abot ni Ryan ng baso. Andito kami ngayon sa Bar Garden malapit sa school. Ito lang kasi ang kayang puntahan nang lahat since iba-iba kami ng mga bahay. Kinuha ko naman ang basong inabot ni Ryan at ininom ito. Medyo matapang ang alcohol lasang lasa ko ito pero malalasap mo pa rin yong tamis. Hindi ko alam kung ano na hinalo halo nila sa iniinom namin sila naman nag order nito. "Hoy sayawan mamaya ah. Bawal nang may tumanggi." turo ni Iya samin ni Zia na parehong mahiyain. "Oo nga. Bawal kj ngayong gabi." nakasigaw namang sabi ni Mari. "Ayoko!!!" pagtatanggi ko "kayo na lang" Hindi kasi talaga ako marunong sumayaw at nakakahiya. "Ryan alam mo na lasingin mo mga to" turo ni Iya samin ni Zia "para sumayaw ulit." last time kasing sobrang lasing namin ni Zia ayon walang hiya na nag show down kami sa dance floor. Kapag naalala ko nahihiya pa rin ako kasi sumikat yon sa group ng campus namin. Nakakahiya talaga! After no'n wala na akong mukhang iniharap sa buong school lalo na sa mga prof namin. "Oo na sasayaw na. Kaloka" natatawa kong sabi. "Oy Zia tignan mo yong sa kabilang table tingin nang tingin sayo mukhang mabebenta ka namin ngayong gabi ah." pang-aasar ni Nica dito. "Naku! May pambayad na tayo sa mga inorder natin." natatawang sabi ni Vince. "Wag kayong ganyan magagalit bf ni Zia." pang-aasar ni Lyne. "Oo nga, kayo talaga." natatawa kong sabi. "Hirap naman makahanap ng papi dito." biglang wika ni Nica. "Mukhang may natutuyong perlas nang sinilangan dito ah." pang-aasar ko sa kanya. "Oo nga eh, ilang buwan na rin." pagsakay nito sa biro ko. "Magjowa na kasi." ani naman ni Ryan. Natawa na lang kaming lahat dahil paano ba magkakajowa si Nica eh lagi paiba-iba ng lalaki. Ay ewan ko ba magulo talaga to. "Fast talk na lang tayo, Spg." malakas na sabi ni Mari. "Buti pa nga maglaro tayo." sang-ayon naman ni Vince. "Ayoko ng spg may inosente po here." pagtatanggi ko. "H'wag kami Ally, wala ka lang talagang experience kaya di ka makakarelate." pang-aasar ni Iya. "Hoy! Grabe ka sakin. Hindi ba pwedeng intayin si the one." ani ko. "Naku sa kakahintay mo sa the one na yan mamatay kang di mo maexperience ang bawat sarap sa twing mapapaungol ka like ugh shit." bigla kaming natawa kay Iya dahil umungol pa talaga ito. "Iniintay ko lang talaga yong ibibigay nang langit." ani ko dito "Paano mo naman malalaman na s'ya na ang binigay ng langit?" pabalik nitong sabi. "Hindi ko alam, basta ako humingi na ako ng sign sa langit." "Naniniwala ka pala sa mga pa sign sign na yan." "Malay natin." ang tangi kong sagot sabay inom ng beer. "Ikaw bahala, ikaw din tumatanda na tayo mahirap ang matuyo ng habang buhay." Alam ko namang biro lang nila ito at nirerespeto pa rin nila desisyon ko. Gusto ko rin naman magkaexperience. Tumatanda na ako pero parang lagi akong late bloomer sa mga bagay bagay then when I tried something new don ko narerealize na walang mali. Minsan ang pinakita sa ating mga mata yong mga standard ng mga bagay na mali, kaya naitanim natin sa ating isipan na ito ang mali pero kapag buksan mo ang iyong mga mata, kapag lawakan mo pa ang isipan mo don mo malalaman ang pinagkaibahan ng mali at tama. Gaya na lang sa pag-iinom ko ngayon. Iba nasa isip ko dati kapag umiinom, adik, masamang tao at kung ano-ano pang negative stereotype sa mga umiinom pero nong ako na, nag-iba na pananaw ko sa buhay. Hindi lahat nang umiinom ng alak ay masama na. It just like having a tattoo, some of us discriminate against people with tattoos dahil adik o masamang tao pero kung lawakan pa natin ang ating isipan we can change our perceptions. Siguro kung magkakaexperience man ako ngayong gabi okay lang din naman since nasa bucket list ko sya. Hindi pa naman ako mamamatay, naglista lang talaga ako ng mga gustong gawin ko yong extraordinary like having s*x. Kung hindi pa ako magkakajowa this college years I just want to experience having s*x with somebody even with a stranger para hindi na lang ako hanggang nuod ng porn. Curious din ako sa feeling. Nagkakayaan nang sumayaw mapilit kasi sila Iya kaya go na lang din kami ni Zia. Pagbigyan ang kaibigan namin ngayon mukhang gustong sulitin nito ang gabi bago mag finals dahil panigurado hell week na naman para samin. Kahit hindi marunong sumayaw ay nakikisabay na lang ako sa kanila at nakikitawa. Masarap din talaga kapag may pagkasaltik mga kaibigan mo dahil napapasaya nila ang buhay mo. Makakalimutan mo sandali na umiikot pa pala ang mundo. Saglit lang ako nakisayaw at nauna nang umupo dahil medyo hilo na rin ako baka mas lalo pa akong mahilo kung sayaw ako nang sayaw. Kinuha ko ang phone ko para magbrowse na lang nang wala pang dalawnag minuto ay nakita kong papalapit sila dito. Akala ko hindi ito mapapagod sa kakasayaw. Rinig ko pang may pinag-uusapan ito mukhang seryoso mga mukha nito. "Ang yare." "Umalis na lang kami, may mga nakisayaw kasing boys." ani ni Lyne. "Tapos?" tanong ko. "Ang babastos kasi. Baka magkasuntukan pa alam mo naman tong si Ryan at Vince overprotected." suhisyon naman ni Zia. "Mabuti na lang din 'yon baka umuwi tong may mga pasa." "Laro na lang tayo truth or dare." sabi ko na lang. pampatay ng oras bawal kaming magphone pag-iinom rule na namin yon kaya naghahanap kami ng way para hindi boring ang inuman. Sumang-ayon naman sila. Unang ikot ng bote sa akin agad tumapat. Kaasar naman ako na nga tong nag suggest ako pa talaga ang una. "Dare or dare?" tanong naman ni Nica. "Gagu" natatawa kong sabi "oo na sige Dare." baka sabihin na naman nila mahina ako. Lagi na lang nila ako minamaliit. "Hmmm ang unang papasok sa pinto na 'yan" turo nito sa entrance "ay hahalikan mo sa labi." "HA???? Ayaw ko nga!!!" "Gooo Ally" "Yakang yaka yan" "Sige na madali lang yan." pang-aasar ni Ryan. "Ikaw na lang kaya ang gumawa Ryan. Iba na lang, ibang dare." "Dali na Ally kiss lang naman yon." pamimilit ni Zia "Sige ganito pag di mo magawa you have to pay us 1k each but if nagawa mo we will pay you 1k tig iisa kami." "Deal" sabay sabay nilang sabi. s**t! Pito rin sila 7k din yon. Lakasan na ng loob to. "Okay deal. Handa n'yo na tig 1k nyo." pero sa loob loob ay kinakabahan na ako. "Ang unang papasok ah." panigurado ni Lyne. Nagkanyan kanyang labas na ito ng pera. "Oo na!" lahat kami ay nakaabang sa pinto kung sino ang unang papasok. Sobra rin akong kinabahan sana naman, okay yong hahalikan ko. Ano kaya magiging reaction nila. Bakit kasi ito pa naisip na Dare ni Lyne?! Pwede naman kasing sumayaw sa taas ng table, mga ganong dare. Para bang tumahimik ang paligid, bigla ako naging binge dahil sa sobrang lakas nang t***k ng puso ko. Tanging mga boses lang ng mga kaibigan ko ang naririnig ko na tinutulak ako papunta sa entrance. Bumigat ang bawat hakbang ng aking mga paa, sandaling nakalimot ako na nasa mundo pa rin ako. Unti-unti ay naglakad ako papalapit sa entrance. Pakiramdam ko lahat ay nakatingin sakin nang bigla kong hinalikan ang isang babaeng kanina lang ay nasa pinto ng entrance. Ramdam ko ang malambot na labi nito, mga mata nitong nakatingin lang sakin dahil alam kong kahit s'ya ay nagulat. Nagulat din ako sa pangyayari dahil hindi ko inaasahang babae ang hahalikan ko ngayon. Hindi na ako nakatanggi pa sa mga kaibigan ko dahil tinutulak na nila ako at alam ko kung hindi ko to gagawin ay goodbye seven thousand ako. First time kong humalik ng babae. Not that bad pero siguro it's not my thing. "Sorry" ang tangi kong sambit at mabilis nang tumalikod. Dali-dali akong naglakad papalapit sa mga kaibigan kong malapad ang mga ngisi. Ramdam ko pa rin ang mga matang nakasunod sa akin. Pagkadating ko sa table ay naghiyawan ang mga gongong. Gusto ko sila pagsasapakin. "Wow Ally Wow" wika ni Nica. Hindi ako makapagsalita dahil sa nangyari pakiramdam ko ay mas grabe ang hang over ko sa mga nangyayari. "Sa wakas Ally may first kiss ka na."pang-aasar pa ni Nica. "Congrats!!!" dugtong pa nito at nagtawanan naman sila dahil ang tatanda na raw namin ay wala pa rin akong first kiss. Pano naman kasi ako magkakafirst kiss eh ang first relationship ko ay long distance relationship. "Ito na po kamahalan." sabay abot ni Lyne sa akin ng pera. "may first kiss na may seven thousand pa." Instant pera pero napahilamos ako ng aking kamay dahil hindi ko maiprocess sa utak ko ang mga nangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD