Monochromatic

1262 Words
Chapter 3: Monochromatic Kylie Era's Point of View Sinabayan ng kadiliman ng paligid ang paggising ko kinabukasan. Makulimlim na sinasabayan pa ng malakas na paghampas ng hangin. Nagising ako dahil sa matinding panlalamig. Baka naninibago lang ako sa kapaligiran ko ngayon. Hindi ko alam kung paano ako dinalaw nang antok dahil kagabi, hindi talaga ako makatulog. Sino ba kasing makakatulog kapag bigla-biglaan ka na lang na hatakin sa kung saan? At ang mas malala pa ay kung ang mismong prinsipe ang humatak sa'yo? "Are you the owner of Dorm 40?" his surprising question iterated inside my head. Ano naman ngayon kung ako nga ang may-ari ng dorm 40? Anong balak niya? Pumatak ang alas sinco ng umaga. Nakapaghanda na ako lalo na ang assignment namin kay sir. Hindi ko alam kung ano ba ang relasyon ng descendant na lumitaw kahapon sa blackboard at sa pangalan ni Poseidon? And that trident na iginuhit ni sit sa pisara. NAGSIMULA na ang klase at tama nga ako na si Lord Poseidon iyong tinutukoy sa trident na simbolo. Pero ang hindi ko maisip, kung ano ba talaga ang relasyon ng descendant kay Poseidon. "Base sa pangalan ni Lord Poseidon at ng trident niya. It has a powerful connection, especially the one who is inherited his power," pagpapaliwanag ni sir. Inheritance? Pamana? Ano 'yon? Kalokohan ba 'yon? Pwede ba 'yong mangyari? Buong maghapon akong lutang dahil sa kaiisip sa descendants na 'yan. Hindi ko man lang nagawang galawin ang pagkain ko kanina noong nasa cafeteria ako. Hindi ko rin masyadong napagtuunan nang pansin ang buong leksyon namin. I feel so disturbed. Pagkarating ko ng dorm, wala na akong ibang ginawa pa kundi ang matulog. Bigla kong naalala ang mukha ng prinsipe. Kaya naman ay napabalikwas ulit ako at umayos ng upo sa kama. Six thirty pa lang ng hapon. Makulimlim pa rin ang paligid, at tiyak akong maya-maya lamang ay bubuhos na ang ulan. Dumungaw ako sa bintana at napatingin sa isang malaking puno. Sa bandang gilid, may naaninag akong isang anino. Silhouette ng isang lalaki, 'yong anino na nakita ko noong unang pasok ko rito. Nakatayo siya sa likod ng puno at habang ang ulo ay nakatingin ng diretso sa dorm ko. Naglakad ito at bigla kong naaninag ang pagkakangisi niya. Hindi ko siya mamukhaan pero siyang siya 'yong lalaking nakita noon. I frowned when I saw a smirk in his lips. Mas dumilim pa ang paligid at kumulog at kidlat. Kasabay nito ang pagbugso ng malakas na ulan at hangin. Wala na 'yong lalaki, isinara ko ang bintana dahil tumatama ang metal nito sa pader, at pumapasok ang kaunting ulan dito sa loob. "Your curiosity can kill you." Napaismid ako ng mapagtantong nandito na siya sa loob ng kwarto ko. Agad ko siyang nilingon dahil ramdam kong naroon siya sa likuran ko. Nakamaskara na siya na mas lalo pang nagpadagdag sa kawalang alam ko sa katauhan niya. Humakbang siya ng kaunti, rason upang mapaatras ako. "Sino ka? Anong kailangan mo?" tanong ko na pinipigilan ang sariling sumigaw. Sinusubukan ko ring iwasang maghistirikal sa harapan niya. Wala akong anumang sandata ngayon. Dumikit na ang likod ko sa bintana at ang matinding pagkabog ng puso ko ang siyang tanging naririnig ko. Gano'n na rin ang malakas na pagbayo ng hangin sa labas na halos sirain na nito ang bintana. "You don't need to know," umatras siya at tinalikuran na ako. Agad akong humakbang at hahablutin sana ang balikat niya nang lumusot ang mga kamay ko sa katawan niya. Nabigla ako sa nasaksihan ko dahil alam ko ang klase ng ganitong kapangyarihan. It is a monochromatic illusion. Isa itong mataas na antas ng abilidad. Kung sino siya ay isa itong real deal. Lumalakbay ang katawan niya gamit ang ilusyon na ito. Dahil sa pagkakagulat ay nawalan ako ng balanse at sumubsob ako sa sahig. Lumingon ako sa kanya subalit naglalaho na siya. Pero naroroon pa rin ang nakakaimbyernang ngisi niya. KINABUKASAN, wala akong tulog dahil doon sa nangyari. Ang daming katanungan sa isipan ko subalit walang nasagutan, maski isa. Bumangon na ako, at inayos na ang sarili ko. Matapos kong makapaghanda ay naisipan ko nang tumungo sa klase. Pagpasok ko sa loob ng silid namin ay ganon pa rin ang paligid dito sa loob. Pero kahit papaano'y nag-iba narin ang pakikitungo nila sa akin. Kung noong minsan ay halos patayin nila ako sa tingin nila, ngayon ay iba na. Hindi na nila ako pinapansin. Nagkanya-kanya na naman sila ng mundo. Umupo ako sa upuan ko at napahilamos ang palad sa mukha ko. Nakaka-stress dito. Lahat ng nakikita kong bagay ay ang hirap sagutin. Lahat ng nalalaman ko, halos walang pumapasok sa isipan kong mga detalye. Hindi ko na naman namalayan ang oras. Break time na naman namin. Pumunta ako ng cafeteria, hindi ko na naman ulit natuunan ng pansin ang pagkain ko. Lumabas na ako doon ng wala man lang laman ang tiyan. Hindi na ako nagtaka pa sa pagiging loner ko. Actually, mas gusto ko nga ng ganito. 'Yong wala akong ibang iniisip at pinoproblema. Walang nagiging pabigat sa pang-araw-araw kong buhay dito sa loob. I had a friend, once. Pero matagal na panahon na 'yon. Friends are just an excess to my baggage. Pagdating ng araw ako rin lang naman ang mahihirapan. Nagbalik ako sa ulirat ko nang mapansin kong nandito na naman ako sa kwarto ko. It's like my habit already. Study, eat, sleep and vice-versa. Ganon ang cycle ng buhay ko rito simula noong pumasok ako rito. Napalingon ako sa pintuan ng dorm nang may kumatok doon. Someone's at my door. Someone's outside my dorm. Tumayo ako at sinilip ito sa maliit na butas. Nang makita ko kung sino siya ay agad ko siyang pinagbuksan. "O, pinamimigay ni Headmistress sa'yo," wika niya habang naka-usli ang ngiti sa kanyang labi. Si Aunt Dory pala. Inabot niya sa akin ang isang papel. Training schedule ko pala 'yon. "Salamat po!" masiglang sagot ko. Napasulyap ako sa nameplate niya sa bandang kanan na nakakabit sa bandang bulsa sa dibdib niya. Dorothy Theodore. "Sige kailangan ko ng umalis," pagpapaalam niya saka tumalikod. "Salamat po muli," magalang na wika ko pa. Umalis na siya. Isinara ko na ang pinto ko at sinuri ang papel. May training ako bukas pagkatapos ng history na subject namin. Mayroon din sa hapon. "You should be sleeping by now." Nabitawan ko ang papel dahil sa matinding pagkabigla. It's him again. That bastard hologram of him. Don't tell me, dadalawin niya ako rito palagi? Hindi ko pinansin ang lalaking ito, pinulot ko muli ang papel at inilapag ko ito sa study table ko. Umangkas ako sa kama at tinulugan ko ang hologram na lalaking ito. Bahala siya sa buhay niya. *** Masked Guy's Point of View I winced. Ang pangit na nga suplada pa. Nandito ako sa kwarto niya upang i-secure kung nasa magandang kalagayan ba siya. Isa itong utos sa akin. Ang bantayan siya. 'Ang mag-babysit ng pangit!' I am always following her. Hindi ako nakikita ng mga estudyante maliban sa kanya, dahil sa natatanging abilidad na mayroon siya na ipinagkaloob sa kanya. Isinara ko ang lamparang nakasindi pa at kinumutan siya. I swear, she must remove her disguise. Sinasayang lamang niya ang ganda namana niya. Muli kong kinurusan ang noo niya. This is an important symbol, especially for us. Isa itong barrier na hindi maaaring masira ng kahit sinuman. Umalis ako sa kwarto niya at bumalik sa Olympus. Kailangan kong gawin ito, upang ipaalam kay Ama ang mga nangyayari ngayon. May kapangyarihan naman siya, kung bakit ayaw niyang gamitin iyon, upang i-monitor ang buhay ng mga taga lupa. Ikalawang pagbabantay ko na ito sa mga taong gifted. At si Kylie Era ang ikalawa. Sana magwagi siya. Magwagi siyang iligtas ang koneksyon ng lupa at ng langit. Sana nga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD