Noblebright Academy

2639 Words
Chapter 1: Noblebright Academy Kylie Era's Point of View Hindi kasing ganda tulad ng isang prinsesa ang paggising ko tuwing umaga. Kadalasan ay nabubungangaan ako. Minsan binubuhusan ng malamig na tubig dahil nahuhuli ako sa paggising. Hindi ko naman kasalanang naging obligasyon ko na sila sa pang-araw-araw kong pamumuhay. Matagal nang lumisan si ama. Namatay siya dahil sa isang malubhang sakit. Ganoon na rin si ina. Kaya ang hirap para sa aking mag-isa. Ang hirap para sa aking ipaglaban kung ano ang sa akin dahil wala na sila. Wala akong kalaban-laban. 'At hindi ako isang kasambahay, pero, parang gano'n na rin siguro 'yon.' "Kylie!" rinding rindi ako sa tuwing maririnig ko ang boses ni tiya Imelda. Nagpupuputak na naman kasi siya. Ang dami ko pang ginagawa rito. Bumuntong hininga ako saka napapailing na iniangat mula sa batsang punung-puno ng bula ang kamay ko. 'Hindi na bago sa 'yo, Kylie ang ganitong pakikisama nila sa 'yo.' Palagi kong inaalala ang mga salitang 'yan sa isipan ko. Kailanma'y hindi nila ako matatanggap bilang ako. Ano pa bang aasahan ko? Hindi ko nga pala sila kadugo. "Kylie! May mga labahin pa rito!" sigaw niya na umalingawngaw mula sa loob ng pamamahay ko. 'Tch! Bakit ba kasi napakatamad ng mga impaktang anak niya!' "Opo nandiyan na," tugon ko. Papasok na sana ako sa living area nang salubungin ako ng isa sa kinaiinisan kong tao rito, si Dianne. Nagngangalit ang mga bagang at sobrang talim din ng kanyang pagkakatitig sa akin. Napalunok ako sa gulat. Tiyak akong may narinig na naman siyang hindi ko na dapat pa binigkas kani-kanina lang. Just when I thought about it. She immediately twisted my left ear. Sa puntong halos mapa-tiptoe ako sa sakit. I almost shed in tears. Buti na lang magaling akong magtimpi. 'Pero sobrang sakit talaga!' "Ang akala mo ba ay hindi ko narinig ang mga ibinubulong mo kay Mommy? Ha! Ano, magsalita ka!" sigaw niya sa mukha ko tapos lumalabo pa ang paningin ko dahil sa nagbabadyang luha. "Ano bang pinagsasabi mo Dianne! Bitawan mo nga ako! Nasasaktan ako!" pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa tainga ko na pilit niya ring pinipihit. Sobrang sakit na ng nararamdaman ko. "At sumasagot-sagot ka na ngayon?" Kinaladkad niya ako papasok sa sala. Nadatnan namin doon si tiya Imelda at si Dana. Tumayo si tiya dahil hindi niya naiintindihan ang nangyayari at saka naman tinanggal ni Dianne ang pagkakapihit niya sa tenga ko. "What is happening?" tanong niya na inilagay ang dalawang kamay sa kanyang likuran at tinaasan kaming pareho nang nakakatakot niyang kilay. Ramdam na ramdam niya ang pagkakaroon ng awtoridad. 'Tss.' Nakita kong nakangisi ang dalawang magkapatid. Wala na rin ang ama nila gaya ko, sundalo kasi ito sa palasyo at namatay sa nagdaang digmaan. Nagbalik ako sa diwa ko nang sampalin ako ni tiya. Hindi ko na rin masyadong nararamdaman 'yong sakit dahil sanay na ako sa hindi makatarungang pagtrato nila sa akin. Hindi ko alam kung natanong ko na ba ng sarili ko nito, 'Karapat-dapat ba ako sa buhay kong ito?' "Hoy! Kinakausap kita!" bulyaw ni tiya sa mismong mukha ko. Pinanlilisikan niya ako ng mga mata niya. 'Yong ubod ng sama kung makatingin. Ang mukha ni tiya ay puno ng kolorete at ang wrinkles niyang tambad sa noo. Hindi ko alam kong maaawa ako sa hindi mapigilang pagdagdag ng kanyang edad. Wala ako sa lugar upang humusga. "Sorry po tiya, kasi..." Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil pinutol ni Dianne ang pagpapaliwanag ko. Pinanlisikan niya ako ng kanyang nangliliit na mata at saka niya ako nirolyohan. Lumapit siya sa tabi ko habang nakangiwi. Mukhang hindi maganda ang gising ko sa araw na ito. "b***h! Tell mom the truth!" she almost got hysterical, how I wish she was. Sinabunutan niya ako at inilampaso ang mukha sa floor. Sa bilis ng ginawa niya ay hindi ko 'yon nakita. I can feel my cheek bone hit the floor and it hurts so much. Kung iiyak lang ba ako ay makakatulong ito? Hindi! Dahil mas masasanay lang sila kung hindi ko sila lalabanan. 'Lumalaban sa pamamagitan nang pagtitimpi dahil 'yon lamang ang kaya kong gawin.' "Anong ibig mong sabihin niya sa akin, Dianne?" mas naging intense ang pagkakabigkas niya ng mga katagang iyon. Alam na alam ko kung paano magalit si tiya. "Sinasabihan ka ng masasamang mga salita ng babaeng 'yan." Nakahalukipkip si Dianne na nagsusumbong sa kanyang ina. Nakatayo na rin ako mula sa pagkakasubsub sa sahig. Pero matapos makalasap ng masakit mula kay Dianne ay muli na namang lumapag ang magaspang na palad ni tiya sa pisngi ko dahilan upang tuluyang umagos ang luha sa pisngi ko. "Totoo ba? Totoo bang nagbibigkas ka ng mga masasamang salita sa likuran ko?" panandaliang huminga siya ng malalim, nagpamewang. "Alam mo? Tutal ubos na ubos na rin naman ang pasensya ko sa 'yo at binabastos mo ako sa pamamahay ko," muli ay sabi niya saka huminto at inilapit ang mukha niya sa mukha ko. "I'm setting you free," malumanay na wika niya sa mismong mukha ko habang nakangisi. Ibinulong niya 'yon na tila minamaliit ang isang tulad ko. Muli ay umayos ng tayo si tiya at inayos ang pagkakalislis ng kanya bistida. Kahit nanglalabo ang mga paningin ko ay nakita ko ang paglapit muli ni Dianne. Tinulak-tulak niya ang kaliwang balikat ko ng sobrang rahas. "Siguro nakakaintindi ka naman ng ingles, Kylie o baka gusto mong ipaliwanag ko pa ang mga sinabi ni mama sa 'yo?" pangmamaliit niya pa sa akin. Napabaling agad ako kay tiya. Umalis? Hindi ko pinansin ang mga sinabi ni Dianne dahil lumapit ako kay tiya at hinawakan ang mga kamay niya. Wala akong ibang pagpipilian kung hindi ang gawin ito. Ang magmakaawa at ang maging kaawa-awa. "P-patawarin niyo po ako, tiya. Hindi ko na po uulitin, nagmamakaawa po ako sa inyo. Wala na po akong ibang mapupuntahan ibang pamilya bukod po sa inyo," I faked my tears. Halos lumuhod din ako sa harapan niya. Hindi siya makatingin sa akin dahil pareho kaming gulat na gulat siya sa ginawa ko. Narinig ko ang pag-ingay ng sofa, tiyak kong si Dana 'yon. Inaasahan ko na ring sasabunutan niya rin ako gaya ng halimaw niyang ate. "Tama, mommy maawa ka, kasi mawawalan tayo ng kasambahay. Mawawalan ako ng tiga-laba," saad niya at sinabunutan ang buhok ko, narinig ko pa ang paghiwalay ng anit ko sa ulo ko. Napakagat labi na lamang ako dahil sa sobrang hapdi nito. Parang nabunutan ako ng tinik nang isalba ako ni Dana pero hindi pa rin magbabago ang imaheng nakikita ko sa kanya. Unti-unting lumuluwag ang pagkakahawak niya sa buhok ko. Umub-ob ako sa dalawa kong palad. Ang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Ibinato ni tiya ang mga damit na lalabahan ko pa, "Bumalik ka na roon, ituloy mo ang labahin! Tiyakin mong wala akong makikitang isang mantsa, kung hindi ay mag-aalsabalutan ka na," pangbabanta ni tiya. Well I'm 17 years old, 15 ako noong namatay si ama, noong namatay naman si ina ay kasisilang ko pa lamang. Kaya naman, dalawang taon na akong nagtitiis sa bruhang tiyahin ko at ang dalawa kong mukhang mga paang pinsan. IPINAGPATULOY ko muli ang paglalaba ng mga damit nila. Ang kaninang maingay na sala dahil sa sigawan ng magkapatid ay bigla na lamang tumahimik na animo'y mayroong nakakapangilabot na tao roon. Wala akong pakialam sa kanila kaya naman ay itinuloy ko pa rin ang ginagawa ko. Mga ilang minuto na, napansin kong walang nag-iingay sa loob. Baka naman nanonood sila or pumunta sa kwarto nila. Ganoon naman ang buhay nila, buhay mayaman, tapos ako ang alipin. Hindi ko na hinahangad ang hustisya dahil alam ko na magiging habang-buhay na ganito ang kapalaran ko sa kanila. Napaismid ako dahil may kakaiba akong naramdaman. May kakaibang presensiya sa loob. Oo, parang may mga presensiya sa loob ng aking bahay. Dahil sa matinding kuryusidad, tumayo ako mula sa pagkakaupo at ipinahid ang bula-bulang mga kamay sa aking palda na tagpi-tagpi na dahil sa mga ilang butas nito. Kasi naman, kahit isang pares lang ng bagong damit ay walang binili sa akin ng magaling kong tiyahin. Sa tindi ng kuryusidad ko ay naisipan kong lumapit sa pinto papunta sa sala. Matinding kabog ang aking nararamdaman. Anong babala ang ipinahihiwatig ng aking pakiramdam? Bakit ganito na lamang ito kung magbigay ng babala? Itatapak ko na sana sa sahig ang paa ko nang may magsalita mula sa likuran ko. Kaya naman ay halos mapasigaw ako sa gulat. "One more step, Kylie and you're dead," mahinahon subalit may babalang tugon ng taong nasa likuran ko, babae siya. I managed to twist my head. Nang matanaw ko ang babaeng nasa likuran ko ay unang-una kong napansin ang pagliliwanag niya. Naningkit ang mga mata ko nang nakita ko kung sino ang siya. It was her. Hindi ko siya kilala pero biglang nagkaroon ng kaalaman ang isip ko, hindi ko alam kung paano 'yon nangyari. "Athena..." I murmured. I did not expect that I know her name. She was Athena, the Goddess that every human knows. She was the Goddess that I usually hear from tiya Imelda's entreaty. "I apologize for my sudden appearance, hija." Napaka-angelic ng boses niya. Paanong hindi, eh siya lang naman ang anak ni Zeus. The God of Thunder and of course the Supreme God. Muli akong napaismid nang bigla siyang tumungo sa harapan ko. 'Oh my gosh! Did she just apologize?' Napakamot na lamang ako sa buhok ko dahil sa pagkahalina sa presensya niya. I gave her a way. Humakbang siya papasok sa sala. Hawak ng kaliwang kamay niya ang kanyang ginintuang baluti sa ulo. Headdress Armor. "May dalawa akong rason kung bakit ako narito at iyon ay upang sabihin sa 'yo na kailangan mong mag-aral sa Noblebright at hasain ang abilidad mo at ang pangalawa ay upang lisanin ang pamilyang nagpapahirap sa 'yo." Naglakad muli siya. Natanaw ko sina tiya, Dianne at Dana. Nakamamanghang pare-pareho silang nakahinto. Isa ito sa kakayahan ni Athena. Lumakad si Athena palapit sa kinaroroonan ni tiya at inihaplos ang kanyang hintuturo sa makulubot nitong mukha. Ayon sa biography ni Athena na nabasa ko noon. Ang lahat ng kanyang mahahawakan ay napipinsala. Dipende iyon kung nanaisin niya. "Naiintindihan mo ba?" she asked while staring at me seriously. Tapos nanlaki ang mata ko ng mapagtantong may tatlong hiwa na ang mukha ni tiya. Minsan ay hindi ko rin maintindihan 'tong pakiramdam ko dahil kahit na sinasaktan nila ako ay naaawa pa rin ako sa kanila. May pag-aalinlangan akong tumango kay Athena. "Kailangan na nating umalis," sabi niya at biglang naglaho roon sa tabi ni tiya, naramdaman ko na lamang na nasa tabi ko na siya habang isinusuot ang kanyang guwantes. "Ngayon na po?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. "I am not sure if baldness will suit you, darling," she chuckled. Umismid ako dahil sa pagkakatanto ng kanyang mga sinabi. Humakbang ako, pupunta sana ako sa kwarto ko subalit muli siyang nagsalita. "Where do you think are you going?" I was halted by her voice. She's too serious to be disobeyed. She might kill me if I will. "Mag-iimpake po? Bakit?" I tried not to stutter. Instead of answering my beautiful question ay pinitik niya lang ang daliri niya. At sa isang iglap ay nag-iba ang kinaroroonan namin lugar. Wala na kami sa bahay. "Welcome to Noblebright, Kylie. May mag-aasikaso sa 'yo, don't worry, magkikita pa tayo. Husayan mo ang pag-eensayo mo, okay? At sa bruhilda mong tiyahin, 'wag mo na silang isipin pa dahil panandalian ko munang tinanggal sa isipan nila na nagpahirap sila ng isang importanteng tao and that's you." Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay agad ko siyang niyakap. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong tuwa sa puso ko. Hindi ko pinigilan ang sarili kong umiyak. Ito yata 'yong isang moment na karapat-dapat sa luha ko. Nang tanggalin ko ang pagkakayakap ay nginitian niya lamang ako. She pat my head as she dazzled me with her resplendence. She's really a Goddess who deserve to be praised by all. Muli kong tinanaw ang hallway na sa tingin ko ay isang lobby area. "Salama—" naputol ang sasabihin ko nang mapagtantong wala na siya sa tabi ko. Nasaan na siya? Iginaya ko ang mga mata ko sa kabuuhan ng hallway. Nasa pagitan ako ng dalawang konkreto na pininturahan ng kulay puti. May mga yapak akong narinig. Patungo siya sa kinaroroonan ko. All I can see was her silhouette. Nang tuluyan siyang makalapit sa kinaroroonan ko ay tuluyan ko ring nakita ang katauhan niya. Babae siya at hindi masyadong matanda, kaonti lang. Ang mahaba niyang buhok at ang maamo niyang mukha ang una kong napansin sa kanya. "Pasensiya ka na, hija medyo nahuli ako. Marami pa kas—" I cut her off. "Okay lang po, kararating ko lang din po he-he," sagot ko sabay kamot sa siko ko. Bigla akong napahiya nang tingnan niya ako mula ulo pababa sa paanan ko. Kaya naman ay itinago ko ang marurumi kong paa sa mahaba kong sira-sirang palda. "Hindi ka ba binibilhan ng tiya mo ng mga bagong mong gamit?" Nagulat ako sa tanong niya dahil hindi ko akalaing alam niya ang nangyayari sa buhay ko. She knew what to ask. Iniwas ko ang aking paningin ko sa kanya. Naalala ko na naman sila. Ang mga taong nagpahirap sa akin ng maraming taon. Ang pang-aabuso. Pagmamalupit. Siguro naramdaman niyang hindi ako panatag sa tanong niya kaya naman ay nagtanong siya ng ibang bagay bukod sa mga personal. "Ilang taon ka na, hija?" pag-iiba niya ng kanyang tanong. Matapos niyang buksan ang dala niyang kahon ay inilabas niya roon ang uniporme na aminado akong sakto ang sukat nito sa akin. Hindi na ako nagugulat sa mga mahikang nagtataglay sa kanila dahil alam ko na iyon mula noong magkaisip ako. Alam kong hindi kami ordinaryong mga tao. Sa isang kompas niya ay biglang lumiwanag ang pananamit ko, sumayaw-sayaw ang mga ilaw at pumalibot ito sa katawan ko hanggang sa mawala 'yon at makita ko na suot ko na ang uniporme. "It fits you. Paanong hindi eh ikaw lang naman ang Olympian Goddess na nabigyan ng matinding kapangyarihan," sabi niya pero 'yong una lamang na talata ang narinig kong binigkas niya. Hindi ko masyadong narinig ang iba pa niyang sinabi dahil iniwasan niya itong marinig ko. Upang malihis ang kuryusidad ko ay inilahad niya sa harapan ko ang kanyang palad dahilan upang pangunutan ko siya ng noo. Segundo lamang ang dumaan at mayroong lumitaw doong isang rolyo ng papel. "You can keep this scroll once you already memorized your schedule, understood?" wika niya na tinanguan ko, tiyak na akong schedule nga 'yon ng mga asignatura ko. "Dadalhin ko na lang mamaya 'yong iba mo pang mga gamit, heto." Inilapat niya sa kamay ko ang susi at ang scroll. Naglaho agad 'yong scroll maliban sa susi. Duplicate ito at kulay bronze. Tapos nakaukit dito ang dalawang numero na 4 at 0. Dorm Number 40. "Kabilin-bilinan ni Headmistress na bigyang laan ka ng sarili mong dorm upang walang makagambala sa 'yo." I heaved a sigh. Pero kanina ko pa kinakausap ang ginang na ito at hindi pa siya nagpapakilala sa akin. Hindi ba dapat ay 'yon ang inuna niya kanina pa? "Kailangan mo nang pumunta roon," utos niya habang nakangiti. I nodded. "Salamat po—um," saad ko at napamaang sa kanya. "Call me, aunt Dory," she realized eventually. "Thank you for your efforts, aunt Dory," I said and decided to proceed. Pagkabukas ko ng pinto ay tumambad agad sa akin ang dorm 40. Abilidad ito n'yong keeper. She's powerful too. Pumasok na ako sa room pero bago iyon ay may silhouette akong nakita sa bandang kanan ng hallway. Lalaki siya, nalaman ko dahil sa tindig niya at sa buhok niya. Dahil bago pa lamang ako rito ay hindi ko na lamang iyon pinansin pa at pumasok na sa loob. Gabi na nang dalhin ako rito ni Athena. I need to rest. Kailangan kong maibalik ang enerhiya ko upang makayanan ko ang maghapong aktibidad bukas. Pero bago matapos ang araw na ito ay gustung-gusto kong magpasalamat kay Athena dahil iniligtas niya ako sa kahirapang dinanas ko. She helped me to breakfree. She gave me chance to make my life worth living. Kaya naman ay hindi ko ito sasayangin. 'Sana nakikita 'to nila ama at ina.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD