***Luth POV*** "PSSPSSPSSPSSS!" tawag ko sa pusang orange na pinapakain ko habang hawak ang lalagyanan nya ng pagkain. Hindi ko sya napakain kahapon dahil hindi sya nagpakita. Nagbabakasakali ako ngayon na magpakita sya kapag tinawag ko sya. "Beelattt! Psspsspsss!" Ngunit nakailang tawag na ako sa pusa ay hindi pa rin ito nagpapakita. "Who are you calling?" Napalingon ako nang marinig ang boses ni Ser Elian. Napasinghap pa ako nang makitang hawak nya ang pusang orange at hinihimas himas nya ito. "Hala! Hawak mo pala si Beelat, ser," bulalas ko. Kumunot ang kanyang noo. "Who's Beelat?" "Yang pusang hawak mo." "Oh.." aniya at tiningnan ang pusang hawak. "Is this your cat?" "Ah hindi, ligaw na pusa yan. Pinapakain ko lang kasi kawawa naman." "Oh I see," nakangiting saad ny

