***Luth POV*** "SANDALI!" saad ko sa malakas na boses na parang maririnig ako ng nag-do-doorbell sa labas. Wala namang inaasahang bisita sa mga oras na ito. Wala ring binilin si Ser Elian. Si Manang Citang naman ay hindi iyon mag do-doorbell dahil alam nya ang passcode. Si Mang Kiko ay walang trabaho ngayon dahil um-absent sya kaya ako ang nagdilig ng mga halaman kanina. "Sino naman kaya ito?" tanong ko sa sarili habang papalabas na ng maindoor. Bagong ligo ako at may nakabalunbon na tuwalya sa aking ulo. Naligo na ako kaninang umaga pag-gising pero naligo ulit ako ngayon dahil nainitan ko, katatapos ko lang kasi magwalis-walis ng mga tuyong dahon sa lahat ng paligid ng bahay. Binuksan ko ang maliit na gate na pantao. Nakita ko ang may limang kalalakihan sa labas at may dala silang L3

