MITSUHA LEIGH Nakasunod lang kami sa mga Kawal na bigla nalang sumulpot at pinalibutan kami. Totoo nga Princessa talaga si Serenity. Masaya ako para sa kanya dahil ngayon ay makakauwi na sya sa pamilya nya. Hindi ko gugustuhin na sumama sya saamin at mapahamak kaya mas okay na andito sya sa tunay nyang pamilya. Pero ang inaalala ko ay nawala ang ala ala nya. Hindi nya makikilala ang pamilya nya. "Ate natatakot po ako sa kanila" Sabi ni Serenity habang hawak hawak ko ang kamay nya naglalakad na kasi kami. Asa kabila naman nitong kamay si Kuya. "Wag kang matakot baby girl malapit ka ng makauwi. Andito na tayo sa palasyo nyo." Nakangiting sabi ni Kuya at tumingin sa harapan nila kaya pati kami ay napatingin doon. "Wow! Ang laki! Palasyo sya kuya , ate! Palasyo!" Masayang sa

