Agad na nag teleport si Mitsuha sa palasyo nila Knight at doon ay nakita nya na walang tao kaya agad syang tumakbo sa lugar na alam nyang kalalagyan ng mga ito sa pinakang tagong parte. Agad nyang binuksan ang Pintuan ng Secret Room na meron dito. Nalaman nya iyon nung mga panahon na nakatira pa sya doon. Nakita nya na konektado iyon sa kwarto nya at ng iba pa. Pero pagbukas nya ay agad na may taling pumalibot sa kanya kaya agad syang napaupo sa sahig at napatingin sya sa harapan at doon nakita nya na nakahiga sa tatlong magkakahiwalay na Hospital Bed ang mga taong hinahanap nya. "Sabi ko na nga ba at matatalo mo sya kaya pinaghandaan ko to" Sabi ng isang tinig at doon ay lumabas mula sa dilim ang Hari ng Fireland Kingdom o mas tamang sabihin na ang leader ng Hanzon Organization.

