MABIGAT pa rin ang pakiramdam ni Dr. Logan nang magising. Sa wakas, kahit papaano, nakatulog din siya matapos ang ilang araw na tuluy-tuloy na duty at walang tulog. Nakahinga siya ng malalim habang nakapikit pa, pero nang marinig niya ang isang pamilyar na halakhak sa loob ng staff room, napakunot ang kilay niya. Pagtingin niya sa relo sa pulso ay alas onse na ng gabi. “Uy, gising na ang pinakaguwapo sa pedia.” Nakangising bungad ni Dr. Ram Villanueva habang hawak ang dalawang tasa ng kape. “Tumayo ka na riyan at ipakilala mo sa akin ‘yong magadang dalaga.” “Sinong dalaga?” mas lalong nangunot ang noo ni Dr. Logan. Ngumisi si Ram habang iniaabot ang kape. “Yung naghihintay sa ‘yo sa hallway. Sexy, pare. As in, makalaglag stethoscope ang kurba.” “Ano’ng sinasabi mo?” Tumawa si Ram.

