Tahimik ang buong mansyon. Wala ni kaluskos mula kay Dinah simula nang umakyat siya sa kuwarto kagabi. Ilang beses nang sumilip ang isa sa mga kasambahay para tingnan siya, pero laging nakasarado ang kurtina. Hindi rin bumaba para mag-agahan o mananghalian Bandang alas-tres ng hapon, hindi na nakatiis si Lucas. Dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob at binuksan ang pinto. Walang ilaw sa loob ng kuwarto pagpindot niya sa switch ay saka lang lumiwanag ang paligid. Doon, sa pinakadulong sulok ng silid, nakita niya si Dinah. Yakap-yakap nito ang sarili. Nakaupo sa sahig, nakasandal sa dingding, tila basang sisiw na iniwan ng ulan. Gusot ang suot, hindi pa rin nagpapalit mula kahapon. Magulo ang buhok. Namumugto ang mga mata. Wala ni isang salita ang binitawan ni Dinah. Ni hindi siya tumin

