NEZZIE JANE "'Be!" Napasigaw na lamang ako nang makita kong humandusay si Rusty. Tuluyan din akong napaiyak dahil sa sitwasyon nito. Umaagos ang dugo nito mula sa dibdib. At hindi ko kayang panoorin iyon. Nagmadali agad akong lumapit sa kanya para tulungan siya. Mabilis ko siyang inangat at hinaplos ang pisngi nito. "'Be, dumilat ka. 'Wag kang susuko. 'Wag kang bibitaw," saad ko sa kanya habang pinipilit ko itong 'wag pumikit ang mga mata. Unti-unti na kasing pumipikit ito. "'Be, ano ba?! 'Wag ka namang ganyan. Gumising ka! 'Wag mo akong iwan. 'Be, please! 'Wag ka nang magbiro ng ganyan. Mahal na mahal kita. Nangako ka sa akin na walang makakapaghiwalay sa atin tapos iiwan mo ako. 'Wag naman gano'n. Marami pa tayong pangarap 'di ba? Magbabarko ka pa. 'Be! dumilat ka!" pagpupumilit ko.

