NEZZIE JANE Pagkatapos ma-settle ni Ivan ang lahat ng mga natitira nitong obligation bilang wedding photographer sa kasal ay agad na rin kaming umalis. Ipapadala na lamang daw nito ang mga pictures 'pag napa-print na niya lahat. Mabuti na lang din at maaga natapos ang kasal at hindi na inabot ng gabi. May enough time pa kami para makapamasyal gaya ng sinabi nito kanina. Lulan na kami ng sasakyan nito at binabaybay ang daan. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Kung saan niya ako dadalhin. Wala ako masyadong alam sa mga pasyalan dito. Oo, pamilyar ako sa Tagaytay dahil sikat itong lugar pero ang tanging alam ko lang ay ang malamig nitong klima at ang over looking nitong view kung saan tanaw na tanaw ang Bulkang Taal. 'Yon lang at wala na akong iba pang alam. Kaya wala talaga akong ideya

