CHAPTER 18

2002 Words

WOOKIE Pagkatanggap ko ng tawag mula kay Valdez ay halos takbuhin ko na ang lobby. Nagmadali na agad akong nagtungo roon kung saan naroon ang komosyon na nagaganap. At ganoon na lamang ang gulat ko nang maabutan ang sitwasyon. Lahat ng mga tao ay nasa isang tabi na para bang nanonood ng isang shooting ng pelikula o 'di kaya ay teleserye. Nagkalat din ang mga tauhan ko at pawang lahat ay nakalabas ang mga baril at nakatutok sa iisang direksyon. Halos lahat ng atensyon ng mga ito ay nakatuon doon. Hanggang sa dumako ang tingin ko sa isang lalaki na may hostage na isang babae at tinututukan nito ng gunting sa leeg. Iyak nang iyak ang babae habang nakakapit sa lalaking nakakawit ang kamay sa leeg nito. Naalarma ako dahil do'n. Ito pa lang ang unang beses na may ganitong insidente sa hotel.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD