"Nung nasa akin ka. Hindi ko hinahayaang lamigin ka ng ganyan" Hindi ko alam kung bakit sobrang pinagpapawisan ako. Dahil ba natitense ako sa bawat titig saakin ni Landon o dahil nalaman kong magkakilala pala sila ni Nathan?! Nakaupo lang kami sa may sofa at nakaakbay saakin si Nathan katabi ko naman si Ciara at nasa kabilang side naman ay si Oliver.sa Tapat naman namin ay si Landon at Harold at ang iba pa nyang mga kaibigan. Napagdesisyunan nilang magLaro mg spin the bottle. Kung sino ang tututukan ng dulo ng bote ay sya ang mamimili ng Truth or dare at kung sino naman ang huling nadare or truth sya ang maguutos o magtatanong kapag hindi naman nasagot ang Tanong ay iinom ng dalawang shot glass. Nagdagdagan din ang ilang mga Babae kung kanina ay si Lucy at ciara lang ngayon may dumatin

