Pagtapos ng pagtawag ni Landon na iyon ay hindi na naulit pa. Lumipas ang mga araw at buwan. narealize ko ang mga pagkakamali ko. Hindi pa man din ganoon katanggap na wala na nga si kuya at ito ang unang pasko at bagong taon na wala sya. unti unti na naming pinipilit maging masayang lahat. Nakalagpas narin ang petsa ng kaarawan ko at 30 yrs old na ako ngayon. Marami ding nagparamdam makalipas ang apat na buwang walang Landon saakin. Matanda na ako at malapit ng mawala ang edad ko sa kalendaryo ngunit si Landon lang ang gusto kong makasama. Gagraduate na rin ngayon si Ryle at Misaka. Buwan na ng Marso at abala na ang lahat sa pag aayos kung sino ang may mga honors at practice na rin ng graduation. "Congratulations Ryle. Valedictorian ka pa rin!"nakangitng bati ko sakanya. Katatapos lang

