Nanlulumo at hindi ko alam kung anong gagawin ko ng makita ang wala ng buhay na katawan ni Kuya Joey. Sunog sunog na ito. Isang dumadagundong na iyak ang ibinuhos naming Lahat. Hindi ko alam nasasaktan ako ng sobra. "Kuya! Gumising kana dyan ohh! Sino ng uubos ng ulam sa bahay!"giit pa ni Martha at ang mag iina naman nya ay pinapapunta palang dahil kakaalam palang ng balita. Si Mama ay hindi muna namin kaagad sinabihan dahil makakasama ito sa puso nya. "Oo nga kuya! Gusto mo bang bilhan pa kita ng isang case ng red horse? Bumangon ka na dyan magiinuman pa tayo nila Martha!"Nangingiyak ngiyak na ako habang yinuyugyog ang katawan nya na halos hindi na makilala. Nasa likuran ko si Landon at pinapatahan nya ako. Niyakap nya ako mula sa likuran. "P-pinapasabe ng kuya nyo na patawarin nyo raw

