"Please Stay strong For me. I love you" Habang inaayos ko ang Lecture ko for the next subject na Chemistry ay nakareceive ako ng message galing kay ate sab. From : Ate Sabrina. Olivia kamusta kana? Kayo nila mama at Martha? Kamusta na ang kuya mo? Pwede ba tayong magkita ngayon? Agad akong nagtipa sa Cellphone ko. To : Ate Sab. Yes ate. Okay lang naman kami nila Mama. Si kuya naman ay.... Ganon pa din. Pagtapos kong magturo ate. Magkikita tayo. Saan mo ba gusto? Pagkatapos kong isend iyon ay narinig ko ang Bell ng school tandang tapos na ang break time. Isinend naman saakin ni Ate ang Location nung restau. Tago ito at hindi kilala. Namimiss ko na rin ang mga pamangkin ko kaya pupuntahan ko na rin sya. Hindi naman ako nagalit kay Ate sab ng inilayo nya sila Potpot at Sam. Dahil napa

