Kabanata 2

2068 Words
"Elias." Agad akong napa bangon ng maalala ang mga nangyari. Pero ng mailibot ko ang paningin ko ay nasa loob na ako ng cabin ko. At ang naka pamewang at bagot na mukha ni Roxy ang nabungaran ko. "Elias? Nakipaghalikan kalang kagabi hinahanap muna ngayon? Aba babae, hindi porket ginago ka ng ex mo magiging parewalang babae kana." Hindi ko pinansin ang pag se-sermon ni Roxy saakin. Kinuha ko ang isang basong tubig at ininum ito bago ko hinarap si Roxy na ngayon ay patuloy parin sa pag bu-bunganga. "What happened last night?" Napatigil si Roxy sa pag sasalita at napa tingin saakin. "Really you don't remember?" Iling lang ang sinagot ko sakanya. Nag aalalang umupo sya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko na mas lalong ipinag taka ko. "You passed out last night, umalis kayong dalawa ng lalaking iyon. We looked for you the whole night and when we saw you, you're wet and lying at the seashore. Yohan brought you here." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Roxy saakin at pilit inaalala ang nangyari kagabi. Ang huli ko lang na naalala ay hinalikan ako ni Elias sa harap maraming tao. At ang mas ipinag tataka ko ay kung bakit mukhang tao si Elias. "Manay was worried and keeps on crying. Ganon din si Rhian mabuti nalang ay napilit ko silang magpahinga. Halos sampong oras kang tulog ano ba talaga ang nangyari?" "Hin.. hindi ko rin alam." Why can't I remember anything? "Si.. si Elias nakita mo ba sya?" Umiling lang sya bilang sagot saakin. "Kilala mo ba talaga yong lalaking iyon?" Tumango ako kay Roxy bilang sagot sa tanong nya. She took a deep breath and hug me. "I don't know what's happening to you but I am so glad that you are safe." "I need to find him Rox." "Okay but for now take a rest masyado mo kaming pinag alala." Inalalayan nya akong mahiga ulit at inayos ang kumot ko bago nya ako iwan. Sampong oras akong tulog? Paano nangyari iyon? Paanong wala na naman akong maalala? Siguradong sigurado akong si Elias iyon. Ganoon ang kulay ng mga mata nya. Kulay asul kagaya ng kulay ng karagatan. Pero bakit hindi ko maalala ang nangyari kagabi? Nagmamadaling tumayo ako at hinanap ang kwentas na binigay saakin ni Elias. Hindi na ito tumigil sa pag kislap. "Bakit hindi ko maalala ang mga nangyayari sa tuwing kasama kita?" Isinuot ko ang kwentas na ibigay nya saakin. From now on hindi ko na hahayaang mawalay ito sa katawan ko. "Nangyari na naman ang nangyari sayo noong pitong taong gulang ka palang." Napalingon ako sa nagsalita at doon ko nakita ang nag aalalang mukha ni Manay. May dala syang tray na puno ng pagkain. "Manay nagpakita sya saakin kagabi bilang tao." Napakunot ang noo ni Manay at inilapag nya ang dala nyang pag kain. Agad syang lumapit saakin at hinawakan ang magkabila kong balikat. "Juanna bumalik nalang tayo sa syudad. Hindi maganda ang kutob ko sa mga nangyayari." Isa si Manay sa pinagbabawalan akong bumalik dito. Hindi ko alam kung bakit o kung may alam ba sya sa mga nangyayari pero wala syang sinasabi saakin. "Manay hindi ako aalis dito hanggat wala akong nalalaman." Desidido na ako. Hahanapin ko si Elias. At malalaman ko ang lahat ng sagot sa mga katanongan ko. "Ngunit Juanna hindi mo alam kung anong gulo ang pinapasok nyo." Napakunot ang noo ko sa salitang ginamit ni Manay. "Nyo? Sinong nyo ang tinutukoy mo Manay?" "Ang tao at ang mga engkanto ay hindi dapat mag kita kung kayat wag mo ng ipilit pang gawin ang iniisip mo. Maglilikha lamang ito ng delubyo." Mag tatanong pa sana ako ng bigla ng tumayo si Manay at nagmamadaling umalis. Mas lalo akong nagulohan sa mga sinabi nya. Anong delubyo ang tinutukoy ni Manay? MALAPIT ng dumilim ng lumabas ako sa cabin ko. Buong araw lang akong naka higa at nag iisip sa mga nangyayari. Ako lang ata ang nakipag hiwalay na hindi man lang inisip ang break-up namin. Ni hindi man lang sumagi sa isip ko ang ginawang pang gagago saakin ni Domnick. Buong araw ay si Elias lang ang naging laman ng isip ko. Kahit na ngayong nag lalakad ako sa dalampasigan ay sya parin ang iniisip ko. At kung ano bang misteryo ang bumabalot sakanya. Nag aagaw na ang liwanag at dilim. Kaya napag pasyahan kong maupo muna para pag masdan ang magandang pag lubog ng araw. Unti-unting nagiging kulay kahel ang kalangitan na rumereplekta sa karagatan. Ang ganda. This is one of the best view that I've ever seen. Nanatili lang akong nakatingin doon hanggang sa tuloyan ng lamunin ng dilim ang liwanag. At sa pag lubog ng araw ay may isang pigura ng tao ang unti-unting umaahon sa dagat. Tumayo ako at hinintay na makalapit saakin ang pigurang iyon. Kabang-kaba ako pero hindi ko naisip na tumakbo papalayo. Dahil alam kong sya ang hinahanap ko. At sakanyang pag lapit ay doon ko mas lalong naaninag ang itsura nya. Hindi sya kagaya kagabi, hindi sya anyong tao. May hasang sya at kaliskis pero kahit kaylan ay hindi nawala ang kulay asul nyang mga mata na palaging parang may gustong sabihin. "Nag pakita ka muli Elias." "Bakit mo ako hinahanap?" Ang boses nya. Ang lamig at ang sarap pakinggan. "Bakit wala akong maalala kagabi?" Wala syang sinabi saakin. Nakatitig lang sya sa mga mata ko at ganoon din ako sakanya. Para talagang dagat ang mga iyon. Bilog na bilog ang buwan at sobrang liwanag nito kung kayat malaya kong napapagmasdan ang kanyang mukha. "Mas mabuting wala kang naalala para sa iyong kaligtasan." Napa nganga ako sa sinabi nya at mas nag taka. "Anong saysay ng pagkawala ng memorya ko sa mga nangyayari kung ikaw mismo pangalan mo at ang itsura mo hindi ko makalimotan?" Itsura nya noong nagkatawang tao sya at ang totoong itsura nya ay memoryado ko. Bumalik ako sa pagkakaupo ko habang sya naman ay nakatayo parin sa harap ko. Ganoon na ganoon ang itsura nya ng unang beses ko syang nakita noong pitong taong gulang palang ako. "Umuwi kana Juanna. Hindi ka ligtas sa dagat sa mga oras na ito." "Hindi ako uuwi hanggat hindi mo sinasagot ang mga katanungan ko. Bakit wala akong maalala? Bakit noong inuwi mo ako ng pitong taong gulang ako hindi ko maalala iyon? Anong nangyari kagabi?" Sunod-sunod na tanong ko sakanya. Narinig ko syang nag buntong hininga. Bago sya nag salita. "Bukas. Alas nuebe ng gabi dito sa lugar na ito mag kita tayong muli. Hintayin mo ako at sasagutin ko ang lahat ng iyong katanungan. Sa ngayon, umuwi ka muna dahil hindi ko ma isisigurado ang iyong kaligtasan." Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero natagpuan ko nalang ang sarili kong tumatango bilang pag sang-ayon sa sinabi nya. Nag lalakad naako pabalik sa cabin ko bit-bit parin ang maraming katanungan. Hanggang sa pag tulog ko ay dala ko parin ang pag asang sana bukas ay masagot na lahat ni Elias ang mga bumabagabag saaking isipan. Kinabukasan ay maaga akong gumising. I had breakfast with Manay, Roxy and Rhian. Roxy decided to help me with my resort. Gusto nyang manatili sila ni Rhian sa tabi ko para malayo na sila sa Tatay ni Rhian. Her ex keeps on bugging her. Ayaw naman ng bumalik ni Roxy dahil minsan na syang binugbog ng gagong iyon. Kaya naman napag desisyonan namin na dito na sila ni Rhian manirahan kasama namin ni Manay. Wala namang problema saakin iyon. My business is booming kabubukas ko palang ng isang araw ay marami ng turista ang dumarayo sa resort ko. "Saan ka pupunta?" "Mag lalakad-lakad lang sa dalampasigan." Malumanay na sagot ko kay Roxy. "Wait sama ako." Nginitian ko lang sya at hinintay na makalapit saakin. Sabay kaming nag lalakad habang nag uusap. Roxy is my best friend and the closest cousin I had. Halos sabay na kaming lumaking dalawa. Kaya naman wala akong pag dadalawang isip na paniwalaan sya ng sabihin nyang ginagago ako ni Domnick. "D'you still thinking about what happened between you and Domnick?" Umiling lang alo bilang sagot. Iyon naman kasi ang totoo. Simula ng mangyari iyon ay hindi ko na inisip pa si Domnick. "Sorry, I should have told you earlier." "It's okay. I know you just want to be sure before you say something to me." Tumigil sya sa pag lalakad kaya tumigil din ako para tingnan sya. May munting butil ng luha sa kanyang mga mata. "You really don't deserve to be treated like that. Tanginang Domnick yon hindi nya alam ang nawala sakanya." Napatawa nalang ako ng bigla nya akong yakapin at humagulgol sa balikat ko. Roxy is the sweetest person I ever known. And I am lucky to have her. "I am really okay Rox. Wag na natin syang pag usapan." "Okay kalang ba talaga?" I just nodded as an answer. "Is it because of that guy with a blue eyes?" Napaiwas naman ako ng tingin at pilit na tinatago ang aking mga ngiti ng maalala ko ang ginawang pag halik saakin ni Elias ng gabing iyon. "My God. Iyon nga? Grabe ang dali ha!" Sinabayan pa nya ng tawa iyon at hindi nya ako tinigilang tuksohin kay Elias. Ang dating madramang usapan namin kay Domnick ay napalitan ng tawa at kilig dahil kay Elias. Nagpatuloy kami sa pag lalakad hanggang sa makarating kami sa isang baryo. Maraming nag kukumpolang mga tao sa dalampasigan kaya na intriga kami ni Roxy at lumapit narin para maki usyuso. "Ale ano pong nangyari?" Nag pumilit kaming makisiksik ni Roxy para makita kung ano man ang kanilang pinagkakagulohan. Halos maisuka ko ang lahat ng nakain ko ng makita ko ang isang lalaking wala ng buhay na nakahilata sa buhangin na tila ba dunukotan ito ng puso. Katabi nya ay malamang asawa nya na ngayon ay hindi na magkamayaw sa pag lumpasay ng iyak. "Nako ining umatake na naman ang mga halimaw sa dagat kagabi." Nagkatinginan kami ni Roxy at kapwa kinilabotan sa sinabi ng Ale. "Kawawa naman si Ramona, limang anak ang iniwan sakanya ni Berto." "Sinabi ko kasi kay Berto na wag ng mangisda kagabi dahil sobrang liwanag ng buwan. Ngunit hindi sya nakinig. Ang sabi nyay kwentong bayan lamang daw ang mga kataw kayat nangisda sya kagabi. Marami ka ngang mahuhuli sa kabilogan ng buwan ngunit buhay mo naman ang kapalit." "Kung may pera lang talaga ako ay hindi na ako mag ta-tyaga pang mangisda. Nakakatakot gayong hindi natin alam kaylan na naman sila aatake." Makikinig pa sana ako sa usapan ng dalawang mama kaso ay hinila na ako papalayo ni Roxy. Putlang-putla sya at para bang takot na takot ang itsura nya. "Bumalik na tayo." Tumango ako bilang pag sang-ayon at magka hawak kamay kaming bumalik ni Roxy sa resort. Habang nag lalakad ay naalala ko ang mga sinabi saakin ni Elias kagabi. "Umuwi kana Juanna. Hindi ka ligtas sa dagat sa mga oras na ito." "Bukas. Alas nuebe ng gabi dito sa lugar na ito mag kita tayong muli. Hintayin mo ako at sasagutin ko ang lahat ng iyong katanungan. Sa ngayon, umuwi ka muna dahil hindi ko ma isisigurado ang iyong kaligtasan." "Kaya pala gusto nya akong umuwi kagabi." "Sinong gustong magpauwi?" Takang tanong saakin ni Roxy. Hindi ko namalayang nasabi ko iyon ng malakas. "Si Manay." Tumango nalang sya at nagpatuloy na kami sa pag lalakad. Ngayon ay nauunawaan ko na kung bakit sinabi iyon ni Elias saakin kagabi. Siguro ay gusto nya akong protektahan. Nakarating kami sa resort at dumiretso na sa kanya-kanya naming cabin. Agad akong nahiga sa kama ko at nakipag titigan sa kisame. Mamayang gabi ay sisiguradohin ko na masasagot ang lahat ng mga katanongan ko. Hindi na ako papayag na maiwan na naman na maraming tanong na bumabagabag saakin. Kaylangan kong malaman kong anong kinalaman ni Elias sa mangingisdang iyon. Kung totoo bang mabuti sya o hindi. Pero kung hindi ay bakit nya ako tinulongan noon at binalaan kagabi? Napatingin ako sa orasan na nasa gilid ko. Alas onse palang ng umaga. Matagal pa bago mag gabi. I sighed and forced myself to sleep. Mamaya ko na iisipin pa ang mga mangyayari. I need to relax and calm myself. Masasagot ko rin lahat ng ito. Elias. Malalaman ko rin ang lahat. Hindi ako titigil hanggat wala akong nalalaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD