"Masaya ka ba?" Iyon ang tanong ni Elias saakin habang naka higa kami ngayon sa kama. Nakatitig lang kami sa kisame. "Oo naman. Ikaw? Masaya ka ba Elias?" Tiningala ko sya at tinitigan. Tumango naman sya bilang sagot. Ang tangos talaga ng ilong ni Elias. Kung totoong tao si Elias ay malamang mapag kakamalan syang fil-am. Baka nga model na sya ngayon sa ganda ng katawan nya. "Nababahala ka ba sa ating pag kakaiba Juanna?" Isiniksik ko ang sarili ko sakanya at mahigpit na yumakap. Halos naka higa na ang kalahating katawan ko sa katawan nya. Hindi naman sya nag re-reklamo. "Mukha ba akong nababahala? Wala akong pakealam kung ano o sino ka Elias. Ang importante saakin ay magkasama tayo at masaya tayong dalawa." Iyon naman ang totoo. Wala akong pakealam sa pag kakaiba namin. Sabi nga nila ha

