Hinalighog namin ang buong lugar para mahanap si Juanna pero wala kaming makitang kahit anong bakas nya. Sinubokan ko syang kausapin gamit ang aking isipan ngunit hindi sya sumasagot. Alalang-alala na kami sa kalagayan nya. Pinauwi na namin ang mga bisita at pinag pahinga si Manay kasama si Rhian dahil kanina pa sila umiiyak. "Elias wala si Juanna sa Acantharea. Nakausap din namin ang mahal na Reyna alam na nyang nawawala si Juanna." Napatingin naman ako sa dagat ng marinig ko ang sinabi ni Obit. Inutosan ko kasi sila ni Tobit na mag punta sa Acantharea upang malaman kung may kinalaman ba ang mga engkanto ng dagat sa pag kawala nya. "Maraming salamat sa inyo Obit." Sagot ko naman sa kanya. Kung ganoon ay walang kinalaman si Agua, Esidro o ang mga hukom sa pagka wala ni Juanna. Ngayon ay

