Naupo kaming dalawa at sandali kaming iniwan ni Jasmine. Ang weird ng pakiramdam ko habang kaharap ko sya. The last time I remember when I'm with him, sinaktan nya ako ng sobra sobra. At heto kami ngayon, parang walang nangyaring hiwalayan. "Bakit ka pumasyal?" nagulat ako sa biglang tanong ni Ralph. Kanina pa kami tahimik na dalawa. May hawak syang maliit na paso at nagtatanim sya ng mga cactus. "Nag aalala ako sayo." sagot ko. "Magagalit ang boyfriend mo nyan pag nalaman nya." patuloy pa nya habang ang atensyon nya nasa ginagawa nya. "I know. Kaya nga palihim akong nagpunta dito e." huminto sya. "Mag aaway kayo nyan. At alam ko na ayaw mo mangyari yun. Okay lang naman ako dito. May ilan months pa akong natitira." nagulat ako sa sinagot nya. Hanggang ngayon ba ipagtatabuyan pa di

