Dianna's POV KANINA pa nag-aalala si Dianna. Hindi na naman niya makontak si Craig kaya si Charles ang tinawagan niya. Bakit parang hindi boses ni Craig ang sumagot sa ng tawag niya kay Charles. Alam niyang hindi rin iyon boses ni Charles. The way he mentioned her name was very emotional, na nagbigay sa kaniya nang matinding kilabot at kaba, maski siya ay nasaktan kung gaano kasakit nito binitiwan ang kaniyang pangalan. Para itong nangungulila sa tono ng boses nito. Tinapunan niya ng tingin si Baby Craig na mahimbing ng natutulog, masama ang pakiramdam nito kanina kaya mas nag-aalala siya. Nangalumbaba si Dianna sa dining table nakadalang init na siya sa niluto niyang sinigang na baboy, paborito kasi ito ni Craig at espesyal na araw sa kanilang dalawa ngayon. Four months monthsary nila

