Dianna's POV NAPADILAT si Dianna nang nararamdam na tila may humahaplos sa kaniyang tiyan. "Nagising ba kita?" Ganoon na lang ang pagkagulat niya nang nakilala ang nagsalita. "A-ano ang ginagawa mo rito?" Hinawi niya ang kamay ng lalaki na nasa ibabaw pa ng kaniyang tiyan. Tatlong araw na ang nakalipas at ngayon lang ito nagpakita sa kaniya at sa kahimbingan pa ng kaniyang pagtulog. Nasa kuwarto ni Coreen ang dalawang bata, roon na ang mga ito nakatulog sa pakipaglaro sa tiyahin at hinayaan na lamang niya. "Sorry kung ngayon lang ako nagpakita." Bumangon ito, tinanggal nito ang suot na relo at inilapag sa side table, nakaputing t-shirt lang ito at itim na pantalon. "Wala naman akong sinasabi," sagot ni Dianna kay Carlos. Wala naman siyang karapatan na obligahin ito sa pagpali

