Dianna's POV TAHIMIK na nagmamaneho si Carlos, pareho silang walang-imik mula pa kanina. Katatapos lang ng meeting nito kasama ang ilan pa sa mga kapartido nito na tatakbo sa darating na eleksyon. After ng kanilang mainit na tagpo sa loob ng opisina ng ama nito noong nakaraang linggo, ay tila umiiwas naman ito sa kaniya. Hindi na ulit nasundan ang naganap noon. Pabor din naman iyon sa kaniya dahil hindi niya lubos akalain na hinayaan niya lang ang lalaki na may mangyari ulit sa kanilang dalawa. Pasado alas-siyete na ng gabi natapos ang pagpupulong ng ilang kapartido nito sa kapitolyo kanina, mahigit dalawang oras pa ang biyahe bago makarating sa mansyon nito sa Vallehermoso, may dalawang sasakyan ang nauna sa kanila at may tatlo namang nakasunod sa kanila, pawang mga bodyguard ng lalaki

