CHAPTER 1

2544 Words
"AYOKO daddy, ayoko!” Mariin na tanggi niya sa gustong mangyari ng ama. "Hindi ko kayang magpakasal sa taong hindi ko mahal at hindi ko kailanman inisip na mahalin.” Akala niya sa mga pelikula lang nangyayari ang mga ganitong bagay pati pala sa tunay na buhay ay totoong nangyayari ang arrange marriage. Kungbaga sa isang kwento masyado ng gasgas ang plot ng ganitong uri ng istorya, nasa manunulat na lang ‘yon kung paano maaabot ang happy ending ng ganitong tema na kwento. Pero hindi kathang isip lamang ang nangyayari sa kanya, kundi totoong buhay na siya ang bida! "Xarra, listen, mabait na tao si Austi. Sana bigyan mo siya ng chance na makilala ka." Umiling siya. May pakiramdam siya na hindi maganda ang intensyon sa kanya ng Austin na ‘yon at kailangan niyang mag-isip ng paraan para matigil na ang kahibangang ito! "For the first time dad susuwayin ko po kayo. I’m sorry.” Nakayuko na iniwan niya ang ama sa study room at dumeretso sa silid ng mga ito kung nasaan ang mommy niya. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at naglakad ng walang ingay patungo sa kama kung saan natutulog na ang mommy Vhia niya. "Mom," Marahan niyang hinaplos ang buhok ng ina. "I'm sorry, hindi ko kaya ang sinasabi ni daddy. Pinalaki niyo akong mabuting anak pero hindi po ibig sabihin no'n ay hahayaan ko ang sarili ko na magpadikta sa kung ano man ang gusto niyo o ni dad. May sariling buhay na ako mommy at gusto ko po na mabuhay ng malaya. Malaya na gawin ang gusto ko at piliin ang taong gusto kong makasama habang buhay.” Hinalikan niya ang noo nito. "I love you mom, I also love dad…pero hindi ko po gagawin ang gusto niya. Ayoko mommy. Ayokong makulong sa isang relasyon na walang pagmamahalan." Mahinang sabi niya at nagpasya na magtungo sa kanyang silid. Hindi niya maintindihan ang ama kung bakit gusto pa siyang ipakasal kay Austin kung gayong maayos naman ang pamumuhay nila? Maganda ang takbo ng negosyo nila. Usually kasi kaya may arrange marriage ay gustong pag-isahin ng dalawang pamilya ang mga kayamanan ng mga ito upang lalong yumabong. Iyon ba ang gusto ng daddy niya at ni Austin na mangyari? Kinuha niya ang cellphone na nasa ilalim ng unan niya. She dialed her best friend's number. Nakakailang ring pa lang ay nasagot na agad ‘yon. “Celine? Did I disturb you?" "Yes and yes! Hindi mo ba alam na nagpapahinga ako? I just finished washing my clothes Xarra and here you are disturbing me. You know I don't really—" "Stop!" Pigil niya sa kung ano pa man ang drama na sasabihin nito sa kanya. "I need your help." "Kung paglalabahin mo ako ng damit mo, its a no-no my dear best friend. I am dead tired and right now I need to rest my mind and my oh so sexy body, so—" Pinatay niya na lang ang tawag. Minsan talaga hindi niya maintindihan kung bakit nakatagal siya sa kaibigan niyang ‘yon. May sira yata sa pag-iisip si Celine? Madalas kasi itong magbaliw-baliwan. Maya-maya lang ay tumunog ang cellphone niya and the caller is none other than but Celine herself. "Oh?" Kunyari ay galit siya. "Ang rude mo rin talaga ‘no? p*****n daw ba ako?" "Ang daldal mo kasi, hindi ka nakakatulong sa problema." "Ano ba 'yang problema mo Xarra? Mukhang seryoso 'yan, ha." Humiga siya sa kama habang ang mga mata ay nasa kisame. She have a problem, a very big one! "I told you before ‘bout Austin, right?" "Yeah that Austin guy. What ‘bout him?" "Daddy wanted Austin to be my future husband but—" "What the f**k?! Jackpot ka na friend!” Pinaikot niya ang mga mata. Akala nyia pa naman ay susuportahan siya nito. "I don't like him, like duh? Guwapo siya oo, pero feeling ko masama ang ugali niya at hindi ako papayag makasal sa isang tulad niya! I’ll do everything to escape from this mess!” "Escape? Maglayas ka nalang." Suhestyon nito. "Hindi ba gano'n naman iyong ginagawa ng mga babaeng ayaw makasal sa lalaking hindi nila mahal?" Celine is right. "Baka sa pag-alis mo biglang matauhan si Tito Harper na hindi niya pala dapat pakialaman ang buhay pag-ibig mo.” Natahimik siya sa sinabi ng kaibigan, minsan niya lang kasi ito makausap ng matino. "Pero Xarra, nasa sa’yo pa rin naman ang magiging desisyon kung susundin mo ang sinabi ko o hindi. But I promise to you na kahit ano pa ang maging desisyon mo ay nandito lang ako susuporta sa’yo." She found herself smiling upon hearing her best friend's words. "Thank you, Celine." "Dapat lang nagpasalamat ka sa’kin Xarra, nagasgas ang utak ko sa pag-iisip ng pwede mong gawin." Tumawa ito na parang nababaliw na, 'yung tawa ng mga kontrabida sa isang pelikula. "Crazy." "Magandang baliw." Anito. "Kapag umalis ka sabihin mo agad sa’kin, okay? I'll help you." "I will." Hindi na ito sumagot kaya pinatay niya na ang tawag at nagpagulong-gulong sa kanyang kama hanggang sa maisipan niyang kunin ang kanyang maleta at ilagay ang ibang damit at gamit niya do’n. Tama, kailangan niyang umalis muna pansamantala para makapag-isip siya pati na rin ang daddy niya. Babalik siya, sigurado siya do'n. Inilagay niya sa isang wallet ang mga ATM cards at ang cash niya naman ay nasa isang wallet niya rin. May pakiramdam kasi siya na matatagalan siyang bumalik sa bahay nila kaya kailangan niya ng pera. "Kaya mo na bang mabuhay mag-isa?" Tanong niya sa sarili habang nag-i-impake. "You do not even know how to fried egg Xarra. Are you really desperate that much to escape?" She shook her head. "Kaya kong magluto, mag-aaral akong magluto. Google and YouTube are there to help me. I can live without depending with my parents." Pangungumbinsi niya sa sarili at nanghihinang napaupo na naman sa kama. "Xarra, listen, kailangan mo munang lumayo. Hindi naman ibig sabihin na aalis ka ay hindi kana babalik. Mag-iisip ka lang at kapag nakapag-isip kana at ang daddy mo pwede niyo nang ayusin kung ano man ang dapat ayusin." Ipiniling niya ang kanyang ulo. Nahahawa na yata siya sa kabaliwan ni Celine kaya pati sarili niya ay kinakausap niya na rin. "AEON." Tawag pansin sa kanya ng ama. "Kailan ang flight niyo ni Saleen?" Tanong nito habang umiinom ng brewed coffee. "Next week dad, may kailangan pa kasing tapusin si Saleen.” Nakatanaw sila pareho ng ama sa malawak na swimming pool nila. "Alagaan mo ang kapatid mo do’n, huwag mong palapitan sa mga lalaki." Malaki ang pasasalamat niya na hindi siya naging babae dahil siguradong magrerebelde siya sa kahigpitan ng ama. Mabuti na lang si Saleen ay nasanay na may mga bodyguards na nakasunod sa bawat galaw nito, hindi kaya ng sistema niya ang gano'n... Nakaka-suffocate. "I will dad, may kasama akong mag-aalaga sa kanya." "Von Ether?" “Yes." Tiwala siya kay Ether dahil kaibigan niya ito. Mas hindi niya pa nga pinagkakatiwalaan ang kakambal niya dahil alam niya na may lihim itong crush sa kaibigan niya, baka kung ano pa ang gawin ni Saleen kay Ether. "Just make sure na safe si Saleen sa kung sino man ang kasama niyo." "Opo." Mag-aaral kasi sila sa ibang bansa kasama ang halos lahat ng kababata s***h kaibigan nila. Napag desisyunan ‘yon ng kani-kanilang magulang kaya wala na rin silang nagawa kundi ang pumayag. Wala rin naman silang dahilan para tumanggi. Bihira lang ang nabibigyan ng pagkakataon na makapag-aral sa ibang bansa kaya kinuha niya na rin ang oportunidad na 'yon. "About your candidacy," Napalingon na siya sa ama na tila ba nananalamin siya. Ngayon, alam niya na ang dahilan kung bakit marami ang babaeng nagpapapansin sa kanya dahil nasa harap niya na mismo ang ebidensya na nagsasabing, he is indeed a gorgeous man. Kuhang-kuha niya ang ratsada ng mukha ng daddy Matthew niya ang pagkakaiba lang niya ay nahaluan na rin siya ng genes ng mommy Mandy niya. "Pagbalik mo galing ibang bansa pwede ka nang tumakbo." Bukod sa mga sasakyan, ang pulitika ang pangalawa sa gusto niyang pinag-uusapan nila. "I like that idea." Nakita niya ang lalong pag liwanag ng mukha ng ama na para bang nakatanggap ng magandang balita. "Pero hindi magiging madali ang pagpasok sa pulitika Aeon." Pero bakit madami ang tumatakbo kung hindi gano'n kadali makapasok? "Bakit dad? Madami naman tayong connection. Isa pa tumutulong pa rin tayo sa mga tao kahit wala ka na sa pwesto." "Taon ang binibilang ng pagpaplanong pumasok sa pulitika, Aeon. Hindi porque kahapon ka nag-desisyon, kinabukasan ay tatakbo kana. Itanim mo sa isip mo na walang madaling bagay, lagi mong isipin na mahirap ang lahat ng ‘yon para mapursige kang makuha ‘yon.” Itinuro nito ang tasa ng kape nitong paubos na at ang tasa ng kape niyang halos wala pang bawas. "Kung papipiliin kita sa dawalang tasa, alin ang pipiliin mo?” Itinuro niya ang kape niya. “This," “Bakit?" "Kasi wala pang bawas, kakatimpla palang?” "Isipin mo na lang na ikaw ang kape na 'yan at ako ang kape na malapit nang maubos kakainom." Matalino isya pero parang mas matalino pa rin sa kanya ang ama dahil may parte ng utak niya na hindi ito maintindihan. "I don't really understand what you meant, dad.” Nanatili itong naka porker face. Minsan ginagaya niya ito eh. Ngumingiti lang ito kapag nilalambing ng mommy niya o kaya ni Saleen, kapag silang dalawa lang ay hindi mabanat ang mga labi nila upang ngumiti. Hayaan na, gwapo pa rin naman sila kahit hindi sila palangiti. "Kung matalino ang isang tao mas pipiliin niyang uminom dito sa kape kong may bawas na, kesa d’yan sa kape mong walang bawas." “Bakit?" Kung siya ang papipiliin, ang bagong timplang kape pa rin ang pipiliin nyia. "Let's compare our coffees to politicians." Tumango siya. "Iboboto ka ba ng tao gayong alam nilang wala kang alam sa pulitika?" That question stunned him. Will people still vote for him kahit alam ng mga ito na wala siyang karanasan sa pulitika? "At ang makakalaban mo ay hinog na sa pamumulitiko—kagaya ko. Tingin mo sino ang pipiliin sa’ting dalawa?" Bahagya muna siyang nanahimik at napaisip. "Siguro may makukuha ka pa rin namang boto pero siguradong ako pa rin ang mananalo." "Dad," "Gusto ko lang malaman mo anak na hindi porque kilala ako sa buong bansa ay magiging madali na sa’yo ang pumasok sa pulitika. Ngayon pa lang sinasabi ko na sa’yo, gumawa ka ng sarili mong pangalan. Huwag mong hayaan na makilala ka ng tao dahil anak kita, kundi, gumawa ka ng mga bagay bagay para sila mismo ang kumilala sa’yo at sa kakayahan mo." Hinawakan nito ang tasa ng kape. "Itong kape na 'to ay paubos na, ibig sabihin natikman na ito, kungbaga sa mga pulitiko naranasan na ng mga tao kung paano ako magtrabaho kaya mas pipiliin nila ang subok na kesa sa bago lang. Mas pipiliin nila itong kapeng natikman na dahil garantisadong subok na kesa sa kape na wala pang bawas at hindi sila sigurado kung magugustuhan ba nila ang kape na 'yan o hindi." "Masyadong malalim dad." Hindi napigilang sambit niya pero unti-unti niya na rin naiintindihan. "Ang ibig sabihin mas pinipili pa rin talaga ng nakakarami ang subok na sa serbisyo kesa sa bagito? Am I right?” Tumango ang ama. "So, alam mo na ang pinag-kaiba ng kape mo at kape ko?" "Yes dad. Your coffee is proven and tested, kungbaga sa pagseserbisyo sa tao nasubukan ka na at gumawa kana ng maganda upang patuloy ka nilang pagkatiwalaan sa puwesto." Sana tama siya sa sinasabi niya "Ang kape ko naman ay walang bawas, ibig sabihin hindi pa ito natitikman nino man kaya kailangan ko munang ipatikim ito sa tao upang masabi rin nila na okay naman pala ang kape ko, kungbaga sa pulitika baguhan lang ako pero pwede pa rin naman nila akong subukan at pagkatiwalaan, saka nila ako husgahan kung naging magaling ba akong pulitika o namulitiko lang ako.” "That's my son." May himig na paghanga sa boses nito kaya naman natuwa siya. Hindi man ngumingiti ang labi niya, ngumingiti naman ang mata at puso niya. Deep inside he is happy. Kaya niya naman pa lang tapatan ang ama basta intindihan nyia lang mabuti ang lahat ng sinasabi nito. "You are going to abroad to study Aeon, hindi para tumikhim ng iba't-ibang lahi." Umangat ang sulok ng labi niya sa turan ng ama. Nalalaman agad nito kapag may babae siya eh. “I'm not Matthew Stewart for nothing. Hanggat kaya kong malaman ang ginagawa mo ay aalamin ko. Ksyong dalawa ni Saleen ang totoong kayamanan namin ng mommy mo kaya alagaan niyong mabuti ang sarili niyo sa oras na wala kami sa tabi niyo.” Tumayo ito saka tinapik ang balikat niya bago tuluyang umalis. Ilan sandali pa ay natanaw niya na ang isang magarang sasakyan na papasok sa malaki nilang gate. Huminto iyon sa tapat ng main door nila at iniluwa ang isang napaka gandang babae. 'Napaka' kasi talaga namang iba ang ganda ni Saleen. Maarte itong naglakad papasok sa bahay nila at siya ay pumasok na rin, dumeretso siya sa living room. Naabutan niya do'n ang mommy niyang wala rin kupas ang angking ganda. Napailing na lang siya at lumapit sa ina saka humalik sa pisngi nito at saktong dating naman ni Saleen. "Mommy!" Yumakap agad ito sa ina na para bang matagal nitong hindi nakita ang mommy nila. "Sobrang init sa labas! ‘Yung skin ko nagrered na. Look mommy oh." Umayos ito ng puwesto at inangat ang dalawang braso upang ipakita ang namumula nitong balat. "Baka magasgasan ang skin ko." And pouted her lips. "Hindi ba binilhan na kita ng madaming sunblock? Lagi ka lang maglagay anak sa tuwing ma-e-expose ka sa arawan para hindi masira ang balat mo.” Hinawak hawakan pa ng ina ang braso nito at siniguradong walang gasgas. Maarte ang kambal niya at sanay na sanay na sanay na sila rito. Kaunting tuldok lang sa balat nito ay parang pasan na nito ang mundo. "Anyway, mom, pupunta muna ako sa Race." Paalam niya sa ina. "Before dinner umuwi ka, okay?” Tumango lang siya. Aalis na sana siya nang tawagin siya ng kapatid. "Aeon," Tinignan niya lang ito. "Sasama ba sat’in si Ether?" "Mauuna silang umalis ni Lexy." "Pero sa New York din ang punta nila?" "Yes." Nakita niya ang pagkinang ng mata nito. "Don't do anything stupid Saleen, masyado kang obvious." "I am just asking. Ang judgemental mo naman." "Maganda na 'yung sigurado." "Okay." Maarteng sabi nito at muling ipinakita sa mommy nila ang braso nito. Naiiling na lumabas siya ng mansyon nila. Minsan na silang na-featured noon sa isang magazine at kinilala ang pamilya nila bilang isa sa halos perpektong pamilya sa bansa. Masasabi niyang kahit walang perpektong bagay sa mundo, mananatiling perpekto ang tingin niya sa pamilyang mayro'n siya. At kapag dumating ang araw na kailangan niya ng bumuo ng sarili niyang pamilya, gusto niya ay pareho ng pamilyang kinalakihan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD