A house couldn’t stand strongly if one foundation is missing. What’s more, if two foundations are missing? It would surely collapse. At ganoon ang aking nararamdaman sa oras na ito. Gising na ako. Gising na gising ako. Ngunit takot akong magmulat. Dahil alam kong pagmulat ko, hindi ko pa rin makikita si daddy sa aking tabi. He was gone. He was killed last night. I was there. And I wasn’t able to save him. Wala akong nagawa para iligtas siya. Wala akong nagawa para tulungan siya. Wala. Wala akong nagawa. Wala akong kwenta. Marahan akong napalunok. Labis ang aking pagpipigil sa aking luha. Ayokong umiyak. Ayokong magpakita ng kahit anong kahinaan. Ayoko. Ayoko. Ayoko na ring mabuhay. Hindi ko alam kung bakit kailangang umabot sa puntong ganito. Bakit kailangang mawala ni daddy? Bakit kai

