Mabilis akong napabalikwas ng bangon dala ng frustration dahil hindi ako makatulog. Mula pa kanina ay masyado ng ukupado ang aking isipan. Hindi na kailan pa nawala sa aking isip ang aking nakita. Malakas ang aking kutob na iyon na ang salarin na matagal na naming nais mahuli. Ngunit ang hindi ko maintindihan ay kung bakit nagpakita siya sa akin. Bagaman pasulyap lamang ang ginawa niyang pagpapakita sa akin ay hindi ko pa rin maintinidhin kung bakit niya iyon ginawa. Nasisiguro kong grabe ang pagtatago na kaniyang ginagawa kaya bakit nagpakita siya sa akin kanina? Napahinga ako ng malalim na gulong gulo na naihilamos ang aking mga kamay sa aking mukha. Kung pwede ko lamang utusan ang aking sarili na matulog na ay ginawa ko na. I don’t want this kind of feeling. I am being by my thoughts.

