Gaya ni Leo ay nagmistulang first time ko rin sa Canada. Well, matagal na panahon na rin naman simula noong huling punta ko rito. At iyon ay noon pang nabubuhay si mama. Bata pa lang ako noong huli kaming nagtungo rito. Siguro ay nasa pitong taong gulang pa lang. Halos hindi ko na nga rin maalala ang naging karanasan ko noong panahon na iyon. Kaya naman ngayon ay bubuo na lang ako ng panibagong karanasan at alaala kasama si Leo. Sa unang araw namin sa Canada ay mabilis kaming ipinasyal ni Kuya Carlo at Levi. Mabuti na lang din at natuon nan aka-Christmas vacation sila kaya ay maluwang ang kanilang oras para samahan kami. And it feels nice to be with them again. Mukha lang silang hindi caring at walang pakealam but they are the best. Kahit anong rumor ang kumalat tungkol sa akin noon ay hi

