Kabanata 11 Dahan-dahan kong ini-ayos ang kumot na nakabalot sa aking katawan. Hindi ko inaasahan na mangyayari ang araw na ito. Ang araw kung saan makakasama ko sa kwarto ang aking boss. Gusto kong mag-talukbong ng kumot pero hindi ko magawa. Baka kasi mapagkamalan niya akong umiiwas sa kaniya. Kanina ko pa pinipilit ang sarili ko na tumulog pero hindi ko kaya. Mag a-alas onse na ng gabi pero mulat na mulat parin ang aking mga mata. Parang buhay na buhay ang sistema ko ngayong gabi. Hindi ko narin maramdaman ang pagod na nadarama ko kanina sa byahe. Sinilip ko si Boss sa kaniyang kinatatayuan. Nakaupo siya sa upuan na gawa sa kahoy ng narra. Busy siya sa kaniyang mga papeles na pinipirmahan. Mahigit dalawang oras na siyang nakatutok sa ginagawa pero hindi parin siya tumitigil para

