Kabanata 39

4437 Words

Kabanata 39 "Tinatawag na yata tayo ni Sister Jonna." sabi ni Ate Shella kaya napalingon ako sa kanya. Pinag-igihan ko muna ang paglalampaso sa sahig at nang makuntento ako sa naging resulta nito ay tinulungan ko si Ate Shella na pigain ang hawak niyang mop. "Hindi ko po narinig, Ate." "Paano ay masyado kang nakatuon sa ginagawa mo pero teka, tapos ka na ba?" tanong ni Ate Shella sa akin. Tinanguan ko sya at ibinigay ko sa kanya ang mop na bagong piga. Si Ate Shella ay disi-otso anyos na samantalang ako naman ay walong taong gulang pa lamang. Kahit na sampung taon ang pagitan ng edad namin ay matalik ko syang kaibigan. Siya ang pinakamatanda sa aming lahat dito sa ampunan. Ka-close namin sya dahil madalas ay si ate shella ang nag-aalaga sa amin. Isa din syang ulila na kagaya namin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD