PINASADAHAN ni Keren ng tingin ang papeles na hawak at masinsinan na binasa. Meron siya hindi maintindihan, pero hindi naman siya ganu'n kabobo para hindi malaman kung ano ang hawak niya ngayon. Alam niya na isa itong prenuptial agreement. Napataas ang isa niyang kilay nang mabasa doon na wala siyang magiging habol sa alin mang mga ari-arian at pera ni Dave, maliban sa halagang ibibigay nito sa kanya at tulong kay Cedric bilang kabayaran sa pagpayag niyang pagpapakasal dito. Inis na tiningnan niya si Nicolo. "Hindi ako maghahabol sa pera mo, at lalong hindi ko kailangan ng pera na ibabayad mo sa'kin." Nilaro ng kamay nito ang ballpen na hawak. "I know, tulong ko na rin 'yan sa'yo kung kailanganin mo ng pera. Kung ayaw mo naman pwede mo naman ibigay na lang sa mga mahihirap." Nailing si

