Chapter Three

1724 Words
"BAKIT naman parang sinakluban ng langit at lupa ang mukha mo, friend?" tanong sa kanya ni Olga pagkalabas nila ng classroom. "Wala," walang gana niyang sagot. "Wala pero daig pa ng istatwa yang mukha mo." Huminto si Kylie at parang batang nagpadyak siya. "Nakakainis lang kasi! Pupunta sila mom at Rome sa America ng hindi ako kasama!" "Malamang! Baka gusto ng mga magulang mo na magkaroon sila ng oras para sa isa't isa. Hala namang isama ka nila sa pagla-loving loving nila 'dun?" nangaasar nitong sabi. Inirapan niya ito at nagpatuloy sa paglalakad. Naiinis na nga siya tapos dinadagdagan pa nito. "Hoy! Ito naman hindi mabiro," habol nito sa kanya. Dumiretso siya sa garden para doon muna tumambay habang hinihintay ang next subject nila. Galit niyang nilapag ang mga gamit niya sa disimentong lamesa. "Parang may kakaiba sa kanila. Alam kong meron silang hindi sinasabi sa'kin," aniya nang makaupo. "Ano naman 'yon?" naupo naman si Olga sa kaharap niyang upuan. "Narinig ko kasi silang nagtatalo noong isang araw tapos narinig ko rin sila na may pinag-uusapan na problema bago sila umalis papunta sa America." "Tapos?" Nagkibit siya ng balikat. "Nagtataka lang ako kung ano 'yon at hindi nila masabi sa akin?" "Hindi kaya buntis na ang mommy mo?" anito na ikinainis niya. "No way!" "Bakit? May masama ba kung magkaanak man sila?" "Oo! Ayokong magkaanak sila. Ayokong magkaroon ng kapatid." "Ay! ang sama. Friend, walang problema kung magkaanak man ang mommy mo sa stepfather mo." Pinaningkitan niya ito ng mata. "Ayoko nga eh! Hindi ko matatanggap kung magkakaroon man ng anak si mommy kay Rome." "Dahil gusto mo ang stepfather mo?" Tinitigan lang niya ito pero hindi siya sumagot. Pero ang sagot sa tanong nito ay 'oo'. Hindi lang dahil sa may gusto siya kay Rome kundi hindi niya matatanggap na mayroon na siyang kahati sa oras at atensyon ng mga ito. "Ruby, kailan mo ba ititigil 'yang kalokohan mong damdamin para sa stepfather mo?" "Ano bang problema?" inis niyang tanong dito. "Ano ang problema? Hindi ba problema 'yang damdamin mo para sa stepfather mo? Ruby, hindi tama 'yan at hindi normal na makaramdam ka ng ganyan sa pangalawang ama mo." "Sa tingin mo ba ginusto ko 'to? Kung alam mo lang, Olga, na hirap na hirap ako sa pesteng damdamin ko na 'to! Ginawa ko naman ang sinabi mo na iwasan ko siya. Ano pa ba ang gusto mo?!" Dahil sa inis, hindi na niya mapigilan ang sariling pagtaasan ito ng boses. "Iniiwasan mo nga ba? Kasi kung oo hindi ka aakto ng ganyan. Hindi ka manggagalaiti at magagalit na para kang jowa na niloko ng nobyo mo! Kylie, hindi kita pinanghihinasukan. Concerned lang ako sa'yo, at ayokong may gawin ka na ikapapahamak mo lang sa huli kasi kaibigan mo 'ko!" "Pinipigilan ko naman..." aniya. Hindi niya napigilang pumatak ang mga luha niya dahil sa frustration na nararamdaman. Hinawakan nito ang kamay niya. "Thank you for doing that. I'm sorry kung matalim ako minsan magsalita, pero para naman 'yon sa'yo. Ayoko lang talaga na mapahamak ka ng dahil sa kapusukan mo. Alam kong nahihirapan ka, pero mas pilitin mo pang iwasan 'yang damdamin mo para sa stepfather mo. Gawin mo 'yan hindi lang para sa sarili mo, isipin mo rin ang magiging damdamin ng mommy mo." Tama naman ito. Naging mabait at mapagmahal naman sa kanya ang ina niya kaya siguro naman hindi mahirap na gawin ang sinasabi ni Olga na gagawin niya ito para sa mommy niya. Marahas siyang nagbuntong-hininga at marahan na tumango. Sana nga. Magawa niyang panindigan ang desisyon niyang tuluyang iwasan ang stepfather niya. LUMIPAS ang isang Lingo at dalawang Lingo pero hindi pa rin umuuwi ang ina niya at si Rome. Pero itinuon na lang ni Kylie ang sarili niya sa thesis na ginagawa. Paminsan-minsan din nagsa-sopping siya at sumasama kay Olga na pumunta sa bar para malibang niya ang isip niya sa pag-iisip tungkol sa mga magulang niya. Medyo may amats na siya nang umuwi sa bahay. Natigilan siya nang makita niya ang kotse ng stepfather niyang si Rome. Ibig-sabihin nakauwi na ang mga ito. Nakaramdam naman ng saya si Kylie dahil sa wakas makikita na ulit niya si Rome. Pero agad din niyang pinigilan ang sarili dahil alam niyang hindi dapat. Pagkapasok niya sa loob ng mansion naabutan niya si Rome na nakaupo sa sala. Nakayuko ito at tila may malalim na iniisip. Lalagpasan sana niya ito nang makita niya itong umiiyak. Napakunot ang noo niya. Bakit ito umiiyak? Diba dapat masaya ito dahil kakauwi lang ng mga ito galing sa ibang bansa para magbakasyon? Tumikhim siya dahilan para mapabaking sa kanya ang tingin ni Rome. Mabilis nitong tinuyo ang nabasang pisngi. "Bakit ngayon ka lang umuwi?" he asked in a strict voice. "May pinuntahan lang kami ni Olga," aniya. "Sa bar?" taas ang kilay na tanong nito. "Nangangamoy alak ka." Nagbuntong-hininga siya. Hindi siya sanay na ganito ito sa kanya. Kadalasan ang mommy niya ang nagagalit at sumisita sa kanya sa tuwing ginagabi siya ng uwi at nagpupunta sa bar. "Si mom?" pag-iiba niya. "Nagpapahinga sa kwarto niya." "Sige, pupuntahan ko na lang—" "Ayaw niyang magpaistorbo. Bukas mo na ang siya kausapin," pigil nito sa kanya. Nagtatakang napatitig siya rito. She felt there's something going on. Pero ano 'yun?" "Meron ba kayong di sinasabi sa akin na kailangan kong malaman?" tanong niya rito. Umiwas ito ng tingin sa kanya. "Ang mommy mo na ang bahalang magsabi sa'yo." "So meron nga?" Nagbuntong-hininga ito. "Let's talk about this tomorrow." Tumayo na ito. "Magpahinga ka na." Lalagpasan sana siya nito pero pinigilan niya ito sa braso. "Bakit kailan bukas pa?" "Because I can't tell you." Tiningnan siya nito. "Look, Kylie. Sana nagpakatino ka na. Sana isipin mo rin ang mommy mo hindi lang puro sarili mo." Lalo naguluhan sa sinabi nito. Bukod 'dun nakaramdam siya ng inis. Kung alam lang nito kung ano ang dahilan kung bakit siya nagiging ganito. "So, you want to be my father now?" sarkastiko niyang tanong. "Hindi ba ako nagpapaka-ama sa'yo, Kylie?" Pagak siyang natawa. "You've never been, Rome. Hindi rin sumagi sa isip ko na ikaw bilang pangalawang ama ko." "Mahirap ba para sa'yo ang sinasabi ko? Sige magpakasasa ka at magliwaliw ka hanggat gusto mo habang ang mommy mo malapit ng mamatay!" "Rome!" Sabay silang napatingin sa kanyang ina na nasa bungad ng hagdan. Hindi siya makapaniwala na nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawa. Tama ba ang narinig niya? Malapit na mamatay ang mommy niya? Nagtaas-baba ang dibdib niya. "What the hell are you saying?" aniya. "Tanya has leukemia." "Rome, please.... Don't." pigil ng mommy niya rito habang maingat itong bumababa sa hagdan. Nilapitan ni Rome ang ina niya para alalayan. "She needs to know, honey." Tila siya binuhusan ng malamig na tubig sa nalaman. Hindi niya akalain na meron itong karamdaman. Pinaupo ni Rome ang ina niya sa sofa. Hindi niya mapigilang maiyak nang makita ang itsura nito. Malayong malayo ang mukha nito noong umalis ang mga ito dalawang Lingo na ang nakalilipas. Namumutla na ito, nanunuyo ang mga labi at nangingitim na ang ilalim ng mga mata nito. "We went to America to get a second opinion about her situation, but they only say the same thing," sabi pa ni Rome. Humakbang siya palapit sa ina at lumuhod sa harapan nito para magpantay silang dalawa. "Is it true, Mom?" Tumulo ang mga luha nito at marahan na tumango. "Yes, hija. There's no cure. Binigyan na rin ako ng taning ng mga doctor." "Oh, god..." Mabilis niyang niyakap ng mahigpit ang mommy niya. "Please tell me it's not true." Niyakap siya ng mahigpit ng mommy niya. "Sana nga panaginip lang ang lahat." Tiningnan niya ito. "Kailan pa ito, Mom? Bakit inilihim mo sa amin ito ni Tito Rome?" Pinahid nito ang basa niyang pisngi. "Nangyari na. Magsisi man ako, wala naman na ako magagawa pa." Muli siyang naiyak. Blangko ang isip niya at hindi siya makahanap ng tamang salita na sasabihin sa kanyang ina. Parang ang hirap aniwlaan na mawawala sa kanya ang mommy niya. "Gusto kong magbakasyon tayong tatlo. Gusto kong sulitin ang mga natitira ko pang araw na kasama kayo." "Don't say that, Mom," she cried. Sinapo nito ang mukha niya. "Mahirap man tanggapin pero kailangan mong tanggapin ang katotohanan. Ang gusto ko na lang gawin ngayon ay sulitin ang mga araw na kasama ko kayong dalawa ni Rome." Hindi na nga sila nag-aksa pa ng mga araw ay agad na silang nagtungo sa probinsya kung saan may sariling hacienda si Rome. Doon nila napagpasyahan na manatili dahil sa presko ang hangin at walang pulusyon. sa mga unang araw nila doon, walang ibang ginawa si Kylie kundi ang magkulong sa kwarto at umiyak nang umiyak. Hindi niya makayanan na makita ang mommy niya na naghihirap dahil sa sakit nito. nagising siya na madilim na ang paligid. Umalis siya sa kama at walang ingay na lumabas sa kwarto at agad na nagtungo sa kusina ara kumain. Ganito ang ginagawa niya para makaiwas sa mommy niya. Natigilan siya nang maabutan niya roon si Rome na umiinom ng alak. Tila lango na ito dahil habang may pinapanood ito sa cellphone nito ay umiiyak ito habang tumatawa. Hindi na lang niya ito pinansin at nagpatuloy sa pagkuha ng makakain. "Hindi nakatutulong sa mommy mo ang ginagawa mong pagtago sa kwarto at ang pag-iyak." taas ang kilay na tiningnan niya ito. "Bakit nakakatulong din ba sa mommy ang pag-inom mo ngayon?" "Dahil ito lang ang pwede kong gawin para maalis ang nararamdaman kong sakit dito." Tinuro nito ang kaliwang dibdib. Kitang-kita ni Kylie na nasasaktan at nahihirapan din ito. Kitang-kita kita rin sa mukha nito ang pagod at puyat dahil sa pag-aasikaso sa mommy niya sa tuwing dinadaing ito sa sakit. "You really love her," wala sa loob na sabi niya. "I really do." Tiningnan siya nito. "I want to ask you a favor, Kylie." "Ano 'yon?" "Pwede bang magkasundo tayo para sa mommy mo? Kahit sa panahon na nabubuhay pa siya? Gusto kong maramdaman niya na wala siya dapat pagsisihan sa buhay niya. I want to make her happy hanggang sa huling pagkakataon na nandito pa siya. Can you do that?" Nakuyom niya ang kamao. She wanted to say no, pero ang mommy niya ang pinag-uusapan dito. "Okay. Gagawin ko 'yan para kay mommy," labag sa loob na sagot niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD