Chapter Twelve

1533 Words
SA SUMUNOD na mga araw na lumipas ay hindi nagpakita ng interes si Kylie kay Rome tulad ng dati kahit na gustong gusto niya. Napapansin kasi niya na mas napapansin siya ni Rome kapag ganu'n. At hindi na siya iniiwasan nito tulad ng dati. Dahil 'dun ay umaasa na siyang umuwi na si Rome sa mansion. Abala si Kylie sa harap ng laptop nang may lumabas mula sa elevator. Isang lalaki at may bitbit itong mga paper bag na may tatak ng isang sikat na brand ng damit. "Hi, ikaw ba si Kylie Alcantara?" tanong nito. "Yes, ako nga," nakangiting sabi niya. Alam na niya na sa kanya ang mga dala nito at nasisiguro niya na galing ang lahat ng iyon kay Mr. Salamanca. "Pinabibigay ho itong lahat sa'yo ni Mr. Salamanca. Sana raw ay magustohan mo." Tumayo siya para kunin ang mga hawak nito. At sa ganu'ng tagpo lumabas si Rome sa opisina nito. "Anong meron?" kunot ang noong tanong nito. "Ah, pinabibigay daw ni Mr. Salamanca, Sir," aniya. Binalingan niya ng tingin ang lalaki. "Pakisabi kay Mr. Salamanca na maraming salamat sa mga binigay niya." "Sige ho. Alis na ho ako." Humakbang na ito pasakay sa elevator. "Bakit mo tinanggap ang lahat ng 'yan? Makakaya mo naman bumili kung gugustohin mo," si Rome. Nahimigan niya ang inis sa boses nito. "I know. Pero masamang tanggihan ang grasya. Aba! Ito ang unang pagkakataon na may nagbigay sa'kin ng ganito." Masayang isa-isa niyang tiningnan ang laman ng mga paper bag. "May kapalit ang lahat ng iyan, Kylie." Kunot ang noong tiningnan niya ito. "Kung makikipag-dinner si Mr. Salamanca, wala naman siguro problema diba?" "Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Kylie? Hindi mo alam ang pwedeng gawin sa'yo ng lalaking 'yon." "Wala naman sigurong masamang intensyon si Mr. Salamanca, Mr. Santhunder." Sinadya niyang tawagin ito sa pormal. "Ibalik mo ang lahat ng 'yan, Kylie," maotoridad nitong sabi. "Bakit?" "Hindi mo kailangang magtanong. At inuutusan kita bilang stepfather mo. Alam kong masaya ka sa ganitong klaseng atensyon na binibigau sa'yo, pero hindi ako makakapayag na may mangyaring masama sa'yo. Tulad ng pangako ko kay Tanya, hindi ko hahayaang mangyari 'yon." Iyon lang at muli na itong bumalik sa kwarto nito. Hindi naman niya mapigilan mapangiti dahil sa inakto ni Rome. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang pagkairita dahil sa mga damit na binigay sa kanya ni Mr. Salamanca. Kung ganitong bagay ang magiging dahilan para makuha niya ang atensyon ni Rome, isasagad pa niya hanggang sa tuluyang maging sa kanya ang buo nitong atensyon. Pagtungtong ng lunch time ay may delivery na pagkain ang dumating at nakapangalan iyon sa kanya at galing na naman kay Mr. Salamanca. Sa ganu'ng tagpo na naman siya nabungaran ni Rome. "Maraming salamat," sabi niya sa delivery man bago ito sumakay ng elevator. "Kanino galing?" kunot ang noong tanong ni Rome. "Kay Mr. Salamanca," naka ngiting sabi niya. "Sinabi ko na sa'yong wag kang tatanggap ng kahit na anong galing sa kanya." "Pero masamang tanggihan ang grasya, Sir Rome. Isa pa, nagugutom na talaga ako kanina pa." "Then, you should tell me para maorderan kita!" sikmat nito. "Bakit mo 'ko sinisigawan?" Nagbuntong-hininga ito. "I'm sorry. Next time tanggihan mo na ang mga ibibigay niya sa'yo, nagkakaintindihan ba tayo?" "Paano kapag ayoko?" buong tapang niyang tanong. Nagtagisan sila ng tingin ni Rome. "Masyado talagang matigas ang ulo mo, Kylie." Tumaas ang sulok ng labi niya. "Kung hindi ko iisipin na ginagawa mo 'to bilang stepfather ko, iisipin kong nagseselos ka sa atensyon na binibigay ko kay Mr. Salamanca." "W-what? Ginagawa ko lang 'to dahil nag-aalala ako sa pwedeng mangyari sa'yo." "Kung ganu'n, hindi mo kailangang mag-alala dahil kaya ko naman ang sarili ko. Isa pa, kung ano man ang mangyari sa'kin wala akong dapat na ibang sisihin kundi sarili ko lang." Nakita niya ang pagtiim ng bagang ni Rome bago siya nito lagpasan at sumakay ng elevator. Konti na lang Rome. Mahuhulog ka rin sa bitag ko... NAIINIS na sinipat ni Kylie ang suot na relo sa bisig niya dahil ilang minuto na siyang naghihintay sa labas ng building pero hindi pa rin dumarating ang sundo niya. Ngayon lang na-late ang driver niyang si Jerry. "Nasaan na kaya 'yun?" naiinis niyang tanong sa hangin. Talagang makakatikim ito ng bunganga sa kanya mamaya. Natigilan siya nang huminto ang sasakyan ni Rome sa harapan niya at bumaba ang salamin ni'yon. "Sakay," utos nito. "Ayos lang. Parating na rin si Jerry," aniya. Tinanggihan niya ito kahit pa gustong gusto na niyang sumakay. "Huwag mo ng hintayin si Jerry. Sumakay ka na." "Bakit?" tanong niya. "Anong bakit? Iisang lugar din naman ang uuwian natin." Uuwi na si Rome sa mansion? Gustong magdiwang at magtatatalon sa saya ni Kylie pero pinipigilan lang niya ang sarili na gawin iyon. "Are you sure?" pakipot pa niya. "Yes." "Pero dadaan pa kasi ako sa restaurant para bumili ng makakain. Nagugutom na kasi ako," pagsisinungaling niya. Pero ang totoo gusto lang niyang ayain siya nitong kumain sa labas. "Kung ganu'n kumain muna tayo sa labas kung gusto mo?" Got you! "Sigurado ka ba? Ayokong maabala ka, Tito Rome," aniya na sinadya na tawagin iyong Tito at nakita niya ang pagkabigla sa mukha nito. Ang pagkabiglang dis-gusto na tawagin niya itong tito. "Hindi mo 'ko maaabala, Kylie. Gutom na rin ako kaya sabay na tayong kumain. Just tell me kung saan mo gustong kumain at dadalhin kita 'dun," anito. Pigil ang ngiting sumakay siya sa sasakyan nito. Sinabi niya rito kung saan niya gustong kumain, syempre sinadya niyang sa isang mamahaling restaurant siya nito dalhin at hindi nga ito nagdalawang isip na dalhin doon. "Mabuti naman at tinawag mo na akong tito, Kylie," tanong sa kanya ni Rome pagkatapos nilang mag-order ng pagkain. "Naisip ko lang kasi na iyon naman talaga ang dapat," kunway sabi niya. Nagbuntong-hininga ito na pinagsalikop ang mga kamay na nasa ibabaw ng lamesa. "Siguradong matutuwa ang mommy mo kapag narinig niyang tinatawag mo na akong tito." Para tuloy nagsisi siya sa ginawa niya nang makita niya ang ngiti sa mga labi nito. Ilang buwan na ang nakalilipas mula ng mamatay ang mommy niya pero nakikita pa rin niya ang saya sa mga labi nito sa tuwing binabanggit ang pangalan ng mommy niya. Yes, she missed her mom, pero naiirita siya kapag si Rome ang bumabanggit sa pangalan ng mommy niya. Nagseselos siya. "Iyon naman ang dapat diba, Tito Rome? Pasensya ka na rin sa pangungulit ko sa'yo noon. I hope you forget what I told you." "Kalimutan na natin iyon. Wala na sa'kin 'yon." Lihim niya itong inirapan. Nang dumating na ang pagkain nila ay tahimik siyang kumain at sa kalagitnaan ng pagkain nila ay lumapit ang hindi niya inaasahang lalaki na babati sa kanila. "Kylie, hindi ko inaasahan na makita kita rito." Napatingin siya sa lalaki and it was Mr. Salamanca. Sinadya niyang ngitian ito ng malapad para makita ni Rome at hindi naman siya nabigo. "Hello, Mr. Salamanca!" Kinuha nito ang kamay niya at hinalikan ang likod ng palad niya. "I didn't expect you to see here." Pilit siyang ngumiti. Eksakto lang ang dating nito para si Rome naman ang inisin niya. Gantihan lang. "Ganitong food po talaga ang gusto kong kainan, Mr. Salamanca," aniya. "Ganu'n ba? Kung ganu'n dadalhin kita sa susunod sa ganitong mga restaurant kahit sa labas pa ng bansa." "Really?" Kung mag-usap sila parang wala sa harapan nila si Rome at hindi pa rin pinapakawalan ni Mr. Salamanca ang kamay niya. Doon tumikhim si Rome dahilan para mapansin ito ni Mr. Salamanca. "Oh, Mr. Santhunder, good evening." "Good evening too, Mr. Salamanca." "Pasensya na hindi kita agad napansin, masyadong natuonnabg atensyon ko kay Kylie." "Bolero ka pala," sinadya niyang artihan ang boses. "As you can see, kumakain kami, Mr. Salamanca." halatang naiinis na ang boses ni Rome. "Oh! I'm sorry. Sige next time na lang Kylie," paalam na ng lalaki. "Sure, Mr. Salamanca." "Just call me Dave," "Okay, Dave." "Sounds good. See you again, Kylie." Bahagya siyang kumaway dito hanggang sa mawala na ito sa paningin niya. Nang tingnan niya si Rome, natigilan siya nang makita ang nanlilisik nitong mga mata. "Finish your food," walang emosyong sabi nito. Tahimik lang na tinapos niya ang pagkain at hindi naman inubos ni Rome ang pagkain niya. Hanggang sa makarating sila sa mansion ay wala pa rin itong imik. "S-salamat," aniya rito. "Welcome," anito na nilagpasan lang siya. "Umh, Tito Rome," tawag niya rito. Huminto naman ito at tiningnan siya. "Bakit?" "Dito ka na ba ulit titira?" "Of course. This is my house too." "Yeah. Welcome back. At sana maging okay na ang pagsasama natin. Again, sorry sa mga nagawa o nasabi mo sa'yo noon. Wag kang mag-alala hinding-hindi na mangyayari 'yon." Lalagpasan na niya sana ito nang pigilan siya nito sa braso. "Kylie, I want you to stay away from Dave," anito sa mariin na boses. "Why are you bothered with that? Sa tingin ko naman mabait sa Dave—" "Stop calling him by his name." Napangiwi siya nang humihigpit ang paghawak nito sa kanya. "Tito Rome, nasasaktan mo na 'ko." Tila doon naman ito natauhan. "I'm sorry. Sige magpahinga ka na," anito at nilagpasan na siya. Konting-konti na lang...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD