NAGSASAYA si Kylie sa aliw ng tugtugin nang may humatak sa braso niya palayo sa lalaking kasayaw niya. "Ano ba?!" aniya na napatingin sa gumawa ni'yon. Namumungay ang mga matang tumitig sa lalaking nasa harapan niya ngayon. Masyado na ba siyang lango sa alak kaya si Rome ang nakikita niya? Napangiti siya. "Rome? Di ka totoo diba?" natatawa niyang sabi sabay hawak sa labi nito. "Kahit sa imahinasyon lang ang gwapo mo pa rin," sabi pa niya na hinaplos ang mukha nito. "You're drunk," sabi nito. "Siguro nga kasi ikaw na ang nakikita ko Rome." Iniyakap niya ang mga braso sa leeg nito. "Dance with me, Rome," aniya na isinabay ang paggiling ng katawan sa malamyos na tugtugin. "Lasing ka na. Iuuwi na kita," sabi nito. "Ayoko pa. Gusto pa kita makalimutan eh. Mamaya na kapag nawala ka na s

