"Thank you man, for looking after my wife when I wasn't around. So far, she's been a good girl," Rossini thanked Silas while he fixing his table napkin which made me swallow hard. Nagkatinginan naman kami ni Silas habang kaharap namin siya ni Ross sa hapag kainan at kasalukuyan kaming sabay-sabay nang maghahapunan sa gabing ito. Hindi ako makali sa kinauupuan ko kanina pa at namamawis din ang kamay ko kasabay ng panlalamig nito dahil sa pasimpleng titig ni Silas sa akin sa tuwing nalilingat si Ross. Mabigat iyon at mainit, ipinaparamdam niya talaga sa akin na hindi niya nagustuhan ang napanuod niya kanina. Ramdam kong galit siya pero alam niya rin wala siya sa lugar para mag-selos. "Walang anuman, Ross." May kung ano rin sa tono ng sagot niya ang nagpapakita ng pagkabanas niya pero ako

