Chapter 3

2100 Words
Drifting "Oh. Kumain ka ng madami," sabi ni Isaac habang nakakamay na sinusubuan ako ng pagkain. Punong-puno na ang bibig ko at hindi ko alam kung paano ngunguyain ang mga pinakain niya sa akin. Pakiramdam ko'y masusuka na ako sa sobrang dami ko ng nakakain. "Nguya lang ng nguya," utos niya sa akin. "Up down up down up down.” Hinawakan niya pa ang baba ko at iginaya sa pagbubukas-tikom. Mabilis ko naman siyang siniko at napadaing siya. Mabilis na nilunok ang aking pagkain bago uminom agad ng tubig upang maalis ang parang bumarang pagkain sa lalamunan ko bago ako humarap kay Isaac. "Muntik na akong masuka! Nakakainis ka! Ang dami mong sinusubo sa akin!" ririta kong sabi sa kanya at muling uminom ng tubig saka marahang kinabog ang aking dibdib. "Ang payat-payat mo kasi eh. Para kang hindi pinapakain,” pagdadahilan niya. “Dapat sa ‘yo laging pinapakain ng ganito kadami para tumaba ka." "I'm on a proper diet, Isaac,” I reasoned out. “For your information, I'm physically fit." "Physically fit ba 'yan eh pa rang malnourished ka na nga," pang-inis niya sa akin. Humalukipkip ako saka siya hinarap. "Alam mo, Isaac, kung iinisin mo lang ako ay maling araw ang napili mo. Kung puwede lang ay wag mo akong inisin for a week dahil meron ako. Huwag mo ng subukan," pagbabanta ko sa kanya. "Ikaw naman kasi eh. May proper diet ka pang nalalaman. Nagpapaganda ka no?” Nagtaas siya ng kilay. “Sino ba ang tipo mo sa klase ninyo?" "Hindi ko na kailangang magpaganda dahil maganda na talaga ako and please lang wala kang pakialam kung sino man ang type ko na kaklase ko," masungit kong sabi sa kanya. "Hindi na ako makikipag-away sa unang sinabi mo dahil inaamin kong maganda ka naman pero 'yong sinabi mong wala akong pake kung sino man type mo ay hindi totoo dahil may pake ako't gustong-gusto kong malaman," aniya. "I'm your best friend, El. Dapat alam ko ang mga bagay na 'yan." l just rolled my eyes at him saka kumuha ng grapes sa fridge para mahimasmasan ako sa sobrang bigat ng tiyan ko nang dahil sa mga pinakain sa akin ng kumag na 'to. Kala mo may piyesta at napakaraming dalang pagkain at meron pang dahon ng saging upang dun ilagay ang mga pagkain saka nagkamay. Okay lang sana noong una pero nang lumaon ay panay na ng subo niya sa akin ng pagkain na lumulobo na ang pisngi ko sa sobrang puno at wala pa ata siyang balak huminto sa pagsusubo sa akin. "Your my best friend at kung wala kang alam eh di ibig sabihin wala. As simple as that, Isaac.” I shrugged my shoulders. “No big deal." Nanliit naman ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. "Why do I feel like you are hiding something from me?" "Isaac, wala akong tinatago sa 'yo at sa araw-araw ba naman nating magkasama tingin mo ba may maitatago pa ako sa 'yo?" sarkastiko kong tanong sa kanya. "Okay... I'll let it slide... for now," sabi niya na lang. "I'll be watching you." Nagtaas siya ng kilay at napailing na lang ako sa kanya habang pinapanood siyang lumabas ng aming bahay. Napabuntong hininga naman ako ng tuluyan siyang makalabas at sumandal sa kitchen counter. Yes, Isaac. I'm hiding something from you but you shouldn't know it. Hindi mo puwedeng malaman na hindi ko na kayang pigilan pa ang mahulog ng tuluyan sa 'yo. I'm falling and it's so scary because I'm already in it deep. "Mukhang wala atang nakabuntot na aso sa 'yo ah," nakangising sabi ni Mel sa akin. "Sa pagkakaalam ko, Mel, wala naman akong aso," simpleng sabi ko sa kanya at nginitian siya saka nilabas ang laptop ko sa akin bag upang ma-edit ang powerpoint ng report ko mamaya. "I mean Cole," paglilinaw ni Mel. "Hindi ata siya nakasunod-sunuran sa 'yo." "That's because lagi lang talaga kami magkasama,” I reasoned out. “Maybe he's just busy. At hindi siya aso." "Oo nga naman, Mel!" biglang pagsingit ni Kate. "Sa pogi ni Cole? Mukhang aso lang para sa 'yo? That's absurd!" Parehas naman namin siyang binigyan ng isang tamad na tingin ni Mel kaya agad naman siyang ngumiti at nagpeace sign sa amin. "Sorry. Alam ninyo namang crush ko si Cole eh. Pero hanggang crush lang talaga…” Kinindatan niya ako. “Sa ‘yo na siya, Lorraine.” "Walang sakin, Kate," sabi ko na lang. Napairap si Mel sa akin. "Huwag mo na kasing i-deny pa, Lorraine.” "Wala naman akong dapat i-deny dahil hindi naman talaga. "So, hindi pa pagdedeny ang tawag diyan?" nagtatakang tanong ni Kate. "Kate, let me handle this at wag ka ng sumingit dahil naloloka na ako sa katangahan mo," pagbabawal sa kanya ni Mel saka ito muling lumingon sa akin. "Bakit kasi ayaw mo pang aminin sa sarili mo, Lorraine? Halata naman na mahal mo si Cole. As your close friend, kitang-kita namin kung paano mo tignan si Cole nang higit pa sa kung paano dapat tingnan ang best friend. Punong-puno ng pagmamahal." "Bakit? Hindi ba dapat minamahal ang best friend?" My logic probably flew out because of my absurd question. "Of course love is not in a friendly way, but love in a romantic way,” she explained. "Kilabutan ka nga sa sinasabi mo, Mel,” pilit ko pa ring pagtanggi. "Mapapa-amin ka din namin ni Kate,” banta niya. “Aamin ka din." Napailing na lang ako at nagfocus sa ine-edit kong powerpoint presentation. Wala akong aaminin sa inyo dahil hindi ko hahayaang malaman ng iba ang nararamdaman ko para kay Isaac. Lahat gagawin ko para lang walang makaalam non. "Tuloy ba tayo sleepover sa inyo later?" tanong nila sa akin nang mag-uwian na. Magkakaparehas kasi kaming tatlo ng schedule at si Kate lang naman ang naiiba ng course sa amin ni Mel. Si Mel ay ka-block ko kaya walang problema. "Yup," nakangiti kong sabi. "OMG! Should I buy some food or drinks before I go to your house?" na-eexcite na tanong ni Kate. "I'll still get my things at home kasi." "Ako din. I need to go home first," paalam ni Mel bago nilingon si Kate. "Sabay na tayo papunta kila Lorraine, Kate." "I'm so excited grabe! It's our first time celebrating someone's birthday at midnight," ani Kate. "I really love sleepovers!" Pumalakpak pa siya sa sobrang saya. Natawa naman ako sa reaksyon ni Katelyn. "Oo na pero you don't need to bring foods. I-text ninyo na lang ako kung ano ang gusto ninyong kainin at magpapabili ako kay Manang or ako na lang bibili on the way home." "Okay we will text you pero magdadala pa rin kami ng pagkain para mas masaya," pagpupumilit ni Kate sa gusto niyang mangyari at alam kong wala na akong magagawa doon kaya hinayaan ko na siya sa kung anuman ang gusto niyang mangyari. Nang makaalis na ang dalawa'y sumakay na ako sa kotse. "Saan tayo ngayon, Lorraine?" tanong ni Manong sa akin. "Sa Savemore na po muna tayo," magalang kong pagsagot at agad niyang pinaandar ang sasakyan. Huminga naman ako ng malalim at ni-check ang cellphone ko nang magvibrate ito'y nakita kong nagtext na sina Mel at Kate nang mga gusto nilang ipabili sa akin. Napanguso naman ako nang makita ang history ng convo namin ni Isaac at nakitang hindi pa kami nakakapag-usap ngayong araw. Maybe, he was just really busy since fourth year na namin ito sa college. Time really flew so fast. Parang noong kahapon lang ay freshman palang kami pero ngayon ay malapit na kaming grumaduate na dalawa. Kinagat ko naman ang aking ibabang labi't napatingin sa labas ng bintana ng makita ko si Isaac na may kasamang babaeng naka-akbay pa siya. Naningkit ang aking mga mata at halos isubsob ko ang mukha ko sa salamin ng kotse upang makilala o mamukhaan ang babae ngunit hindi ko siya kilala. Maybe she's from other university? Hindi naman lahat ay dito nag-aaral sa Ateneo. But still... Hinawakan ko ang aking dibdib at pinakiramdaman ang puso kong humaharurot na sa pagtibok. Sobrang tagal na magmula nang makita kong may kasamang babae si Isaac at simula 'yon nang nangako siya sa aking magseseryoso na siya at hindi na niya pag-eeksperimentuhan ang mga babae. Siya na ba ang nagpaseryoso sa best friend ko? Gusto kong maging masaya pero mas nangingibabaw ang sakit na nararamdaman ko. "Ikaw lang ang nagbirthday na nakabusangot ang mukha, Lorraine," puna ni Mel sa akin at sabay tapat sa akin ng kanyang camera. "Smile ka naman dyan." Ngumiti na lang ako para sa picture ngunit pagkatapos ng isang shot ay nawala na agad ang aking ngiti. Tiningnan ko ang cellphone ko at nakitang wala pang text si Cole sa akin upang batiin ako ng 'Happy Birthday'. Dati ay lagi niya akong binabati ng saktong alas-dose pero ngayon ay wala akong natanggap. Ganon na ba siya ka-seryoso sa babaeng nakilala niya at kinalimutan na niya ang ibabang babaeng nakapaligid sa kanya na pati ako ay nakalimutan na niya? "Hindi pa kasi siya tinetext ng best friend niya," mapang-inis na sabi ni Kate na pinagkadiin-diinan pa ang salitang 'best friend'. "Stop it, Kate," saway naman agad sa kanya ni Mel. "Down na nga si birthday girl, mas lalo mo pang dina-down." "I-Inom na lang natin 'yan!" masayang sabi ni Kate at binigyan ako ng isang baso ng Chivas Regal. Kinuha ko naman ang binigay niya sa aking baso't mabilis itong nilagok at napapikit nang maramdaman ko ang pagsusunog nito sa aking lalamunan. "Mel, huwag kang mag-uupload ng pictures ngayon or mamaya okay?" paalala ko kay Mel. "Bukas ka na lang magpost." "Bakit naman?" Ngumuso siya. "I'm about to upload pa naman." "Just do what I said," sabi ko na lang at hindi na sinagot ang tanong niya't agad niya namang ibinaba ang kanyang cellphone. Naka-hide ang birthday ko sa f*******: kaya kung nakalimutan man ni Isaac ay hindi niya malalaman ngayon dahil naka-hide nga ang birthday ko. Pag nag-upload ng pictures si Mel at Kate ay baka malaman ni Isaac. Ang mga ibang ka-close ko naman ay tinetext ako para batiin ngayong birthday ko. He'd never know in case he forgot about my birthday. Pagkatapos ng walang sawang pag-inom kaninang midnight hanggang sa naubos namin ang pangatlong bote ng Chivas Regal ay nakatulog na kami. Bumangon ako at sinapo ang ulo na sobrang sakit nang dahil sa hangover saka inabot ang cellphone ko sa may center table. Hindi kami sa kama nakatulog. Nagsisiksikan kami dito sa mini sala sa loob ng aking kwarto. Si Mel lang ata ang nakahanap ng magandang pwesto sa sofa samantalang si Kate naman ay nakadapa sa may carpet habang yakap-yakap ang isang throw pillow. Dahan-dahan akong tumayo at hinanaan ang aircon bago tiningnan ang cellphone ko na may text si Isaac. From: Isaac. Goodmorning! Are you free today? Napakunot ang aking noo sa kanyang text at nakitang kanina pa itong alas-otso. Mag-aalas onse na ngayon kaya hindi ko na siya nireplyan. Kung importante naman ang pag-aaya niya sa akin ay nagsend na dapat siya ng kasunod pang text pero wala naman. "Manang, paluto naman pong corn soup para saming tatlo," sabi ko kay manang nang makababa ako sa kusina. "Ito na nga at nagpapakulo na ang tubig," nakangiting sabi ni manang. Tumango naman ako't kumuha ng tubig sa ref saka isinalin sa baso bago uminom upang mahimasmasan ang pakiramdam ko'y medyo mawala ang naiwang lasa ng alak sa aking bibig. "Nga pala, El," biglang sabi ni manang at nagsimulag magkuwento. "Pumunta kanina dito si Isaac at may kasama siyang babae. Hindi ka daw nagrereply kaya sinabi kong tulog ka pa't kasama mo ang mga kaibigan mo dahil nagsleepover sila dito kaya umalis na rin sila agad." Pumunta pala siya dito. At kasama niya pa ang babae niya. Ano 'yon? Magme-meet and greet na ba kami ng girlfriend niya? "Girlfriend na niya ba 'yon, Lorraine?" tanong sa akin ni manang. "Hindi ko po alam," sagot ko na lang at nagkibit-balikat. "Baka po. Siguro." Hindi ko naman talaga alam dahil wala namang naiku-kuwento si Isaac at hindi na rin kami nagkakausap na dalawa kahit sa text. "Nga po pala, Manang." Bago ko pa makalimutan. "May sinabi ka po ba sa kanya tungkol sa birthday ko?" "Wala,” simpleng sagot niya. “Bakit? May problema ba?” Habang umiiling ay ngumiti ako. "Wala po. Sige po. Gisingin ko na po 'yong dalawa," paalam ko na lang at muling umakyat sa taas. I could feel it already. I could feel that he was already starting to drift away from me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD