Going Home "Look who's already here." Napalingon ako sa biglang nagsalita't napatigil kami sa paglalakad ni Martin palabas ng school dahil kakatapos ko lang makapag-enroll. "At hindi man lang nya tayo ni-inform na nakauwi na sya." Bahagya naman akong napatawa sa pagd-drama ni Mel at Kate kaya naman mabilis akong lumapit upang yakapin silang dalawa. "So, kung hindi ka namin nakita dito sa school, hindi namin malalaman na nakauwi ka na?" nagtatampong sabi ni Mel. "And you're with this guy.. again." pabulong na dagdag ni Kate. "Talaga bang wala na kayong pag-asa ni Cole?" "Huwag nga kayong maingay.." sabi ko't bahagyang nilingon si Martin na ngayo'y nakatingin sa phone nya. "He's just my friend." "Cole is your friend too, Lorraine. Just reminding you." at kinindatan ako ni Kate. "Hay

