Stay Tulala akong nakatingin ng diretso. Alam kong namumula at namamaga na ang aking mga mata nang dahil sa kakaiyak. Tumunog muli ang aking cellphone at nakita kong hindi na si Isaac ang tumatawag kung hindi si mommy sa akin. "You won't answer your phone?” tanong sa akin ni Martin. “It's not Isaac anymore." Umiling naman ako sa kanya bilang sagot. "Malalaman lang niyang umiyak ako kapag sinagot ko 'yan," paliwanag ko dahil alam ko sa sarili kong hindi pa stable ang boses at emosyon ko. Panigurado ding tinawagan ni Isaac sila mommy kaya siya tumatawag ng ganitong oras kahit na alam kong busy sa trabaho si mommy. "Are you sure?" paninigurado ni Martin. "Yes," sagot ko at kinuha ang cellphone upang i-silent saka ibinulsa. Muli kaming binalot ng katahimikan ni Martin. I knew that he wa

