Ilang araw na ang nakalilipas ay wala pa rin akong naririnig mula kay Yeoj. Ayaw ko naman siyang tawagan, kasi hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Kaya naman simula no’ng may mamagitan sa amin ni Yeoj ay hindi na napanatag ang loob ko. Hindi ko naman masabi sa mga kaibigan ko, dahil batid kong may mga kani-kaniya rin silang pinoproblema. Kaya ngayon, sinasarili ko na lang ang lungkot na nararamdaman ko. Hanggang sa tumunog ang cellphone ko, dinampot ko iyon mula sa aking gilid. Naka-break kasi ako ngayon at nakaupo sa sahig ng aming locker. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag— si ate? Kunot-noo kong sinagot ang tawag niya. “Hello Ate. Po?!” gulat na gulat kong tanong sa kaniya. Ibinalita kasi niyang galing sa bahay si Yeoj, at nagpaalam na paalis na raw ito. “Kailan daw po? Baki

