“MONIQUE HARRIET ARTELLANO POV ” NAGISING naman ako ng maaga dahil sa sigaw ni ate Vergie sa labas ng kwarto ko. “Naku!! Naku Monique! Gumising ka diyan...baka maagaw ng bruha Ang Asawa mo Dalian mo!” sigaw nito na ikinagulat ko. Napabalikwas Naman ako ng bangon ng Wala sa Oras dahil sa tindi ng sigaw ni Ate Vergie. Inayos ko na lang muna Ang Sarili ko bago ako lumabas. “Ate Vergie...” napatakip Naman siya sa ilong niya. “Mag mouthwash ka Naman muna nakakahiya ka!” wika Naman Niya habang nandidiri sakin, agad ko namang inamoy Ang hininga ko at muntik na akong masuka. Sinirado ko Naman ulit Ang pinto at nag mouthwash na muna ako, nag toothbrush na din ako para sigurado. Nag hilamos na din ako at nag palit lang ako ng damit, nilugay ko lang Ang buhok ko at lumabas na kaagad ako. “An

