“MONIQUE HARRIET ARTELLANO POV” NAKATAYO lamang ako sa likuran ng babae, hindi ko nga alam na Papasok pala kami dito sa isang mamahalin na parte ng building nakakahiya tuloy dahil mag mumukha na talaga akong pulubi nito. Wala pa naman akong suot na tsenilas. “Crizia what's bring you here?” sambit ng Isan pang babae. “I am just bringing some guest, nag hahanap ng pagkain bibili daw” natatawa namang wika nito at agad naman niya akong tinitigan at ngumiti sakin. Ngumiti naman ako dito at tumingin sa mga taong nasa harapan ko. Kumaway naman ako sa Isang magandang babae, Wala atang pangit sakanila dahil puro diyosa ang mga ito. Nang tumingin ako sa lalaki ay muntik na akong mabilaukan sa Sarili kong laway. Napatingin pa ako ulit Dito at nilapitan ko ito, baka Kasi nananaginip lamang ako.

