Natapos ang exam week nang hindi ako nakakarinig mula kay Josh. Tama ba 'yon?! Sasabihin mo sa aking gusto mo ako tapos hindi mo ako kakausapin? Ang gulo-gulo ng isip ko, si Joshua? Magkakagusto sa akin? Kahit sino ata hindi maniniwala. Naglalakad ako sa park na malapit sa bahay para magpahangin nang nakita ko si Ellaine na parang may hinihintay. Naka-bistida siya at naka make-up na parang may date. Tatawagin ko sana siya nang may sasakyang tumigil sa harap niya. Pamilyar 'yun ah? Tinignan ko ang plate number. Job? Sumakay si Ellaine sa sasakyan ni Job. Dali-dali akong pumara sa taxi at sinundan ang sasakyan. Tumigil sila sa isang Chinese Restaurant. Sinundan ko sila sa loob pero pumasok sila sa isang private room. Anong ginagawa nila? Bumilis ang t***k ng puso ko. "Ma'am, rerenta di

