Chapter 2

1043 Words
Malakas ang loob naming mag-invite dahil alam naming hindi kami ang magbabayad, nandyan si Daddy para sagutin lahat ng kailangan! We're not that materialistic, and he's not that much of a spoiler but he wanted us to have fun before college. Nag bangka kami para pumunta doon sa medyo tagong island kung saan kami madalas na dalhin ni Daddy, may resort na doon kaya mas convenient. ''Hey Cass! Thanks for the outing! Makakarelax din kami from school.", sabi nung isang ka grupo namin. "Oo nga! Uy teka, diba mag c-college ka na?" tanong ni ate Chrisa. "Opo ate, sa Malaya University din." "Talaga?  Ano bang course ang kukunin mo?" "Nursing po." "Good! Sige na, mag swimming ka na! Inaantay ka na ng mga kasama mo, kami na ang bahala dito sa mga gamit. " "Yeah! Thank you po ate!" Tumakbo ako papunta sa mga mas malapit kong kaibigan at nakipaglaro sakanila ng frisbee. Ilang oras pa eh napagkasunduan naming pumunta na sa tubig. Pumunta ako sa malalamin na part. "Uy Cass! Bumalik ka dito! Malalim na diyan!" sigaw ni Ellaine. "Ok lang! Marunong naman akong lumangoy eh!", sabi ko na may halong pagyayabang. Excuse me, hindi ako pinag-aral ng swimming para malunod lang.  "Basta bumalik ka na dito!" Ayan nanaman siya sa para siyang nanay! Hay nako! Hindi ko na siya pinakinggan. Napaka-protective talaga ni Ellaine sa akin, mas matanda din kasi siya ng 7 months sa akin kaya ate ko nadin siya. Nagmumuni muni ako sa isang tabi nang may dumating na naka bangka. "Hija! Malalim na dito! Buti pa at bumalik ka na ng pampang." Nako, hindi naman na po ako bata, gusto ko sanang sabihin yun eh pero hindi naman tama. "Opo." Umalis na siya sa pagaakalang babalik ako. Kaya ko namang lumangoy eh. Mga 10 minutes pa ang lumipas, babalik na sana ako sa pampang, dahil sa gutom. Lalangoy na sana ako nang namulikat 'yung paa ko. "OMG! Help!"sigaw ko pero walang nakakadinig. Heto na ba ang mitsa ng buhay ko? Marami pa akong pangarap. Wala pa akong boyfriend. Paano si Dad.  "Lord, kung mamatay man po ako ngayon, ingatan niyo po si Daddy at Ellaine, sana hindi po sila masyado malungkot.", iyak ko. Nararamdaman kong nahihila na ako pababa. Sinusubukan kong ilutang ang sarili ko pero hindi sumusunod 'yong katawan ko. Tuluyan na akong lumubog at naging malabo na ang lahat. Nagising ako sa mabigat na pressure sa dibdib ko at bunganga. Binuksan ko ang mata ko at nakita ko ang taong nag CPR sa akin. Hinabol ko ang hininga ko at unti-uniting luminaw ang paningin ko.  "Miss?", tawag niya. Umupo ako at naghabol uli ng hininga, iniikot ko ang tingin ko at malapit na kami sa pampang ngayon, pero sa medyo tagong parte. "Thank you po." Kinalma ko ang sarili ko at narealize kong isang lalaking mukhang mas matanda lang sa akin ng 5 years ang nagligtas sa akin. Nagulat ako dahil parang sa ibang part ako ng island ibinaba.  "Ah s-sir, doon po ako sa kabilang parte ng island, sir?" Mukhang alam niya ang isla. Inulit ko ulit na sabihin pero hindi siya sumasagot, tumingin lang siya sa akin. "Hoy! Ang layo! Saan mo ba ako dadalhin! r**e!" "r**e?! Are you out of your mind?"  "Then why are you going there?" "Pasalamat ka at iniahon pa kita sa dagat. Isa ka siguro sa mga nagmamagaling na taong akala eh kanya ang dagat." Hindi ako nakapagsalita. Unang sentence na sinabi niya, nakakainsulto agad. Binaba niya na ako sa other side ng island.  "Hoy! Doon ako sa kabilang side!", sigaw ko. "I don't care, pasalamat ka at niligtas pa kita. It seems you know the island well for you to realize we're on the other side of the resort. I think you can properly go back to where you belong. And please, let's not meet again, your voice makes my head hurt. " "Excuse me! This voice is worth a million!" "Worth a million what? Haters?" Umalis na ako at iniwanan siya mag-isa. Matapos niya akong binaba sa other side ng Island?! Pinunta na kami rito ni daddy, naalala ko dahil doon sa malaking rock formation. "Hoy! Isa pang ride oh!" Sumigaw ako kahit alam kong hindi niya ako maririnig. Binigyan niya lang ako ng weird looking smile yung left side lang ng labi ang nakataas, oh wait, more like manyak-like smile. Kinilabutan ako, gosh. Umalis na yung bwisit na lalakeng 'yon. Pero buti nalang at may napadaan ng maliit na bangka. Nag request ako kung pwede niya akong ipunta sa kabilang side at buti nalang pumayag. "Cassie!" "Ellaine!" "Anong nangyari sayo?!  Hindi ka namin nahanap kanina! Saan ka nagpunta? Nagaalala kami sayo! As-", pinatigil ko siya. "Ellaine, im okay, ito na ako oh." Niyakap niya ako at nakapalibot na sa akin yung mga other members. "Ano nga bang nangyari sayo at bigla kang nawala?Akala namin nalunod ka, umahon ka ba?" tanong ni Ate Chrisa. "Nalunod ako." At medyo naging histerical lang naman silang lahat. "Niligtas ka ba nung mamang nakabangkang naghatid sayo kanina?" tanong ni Ellaine "Hindi." "Eh sino?" "Hindi ko alam ang pangalan. Pero bwisit lang 'yon. Binaba ako sa other side ng island, buti nalang dumaan yung mamang nakabangka. Kaya ayun, naihatid niya ako dito." "Buti nalang." Humupa na ang tensyon, balik enjoy muna kami pero hindi na ako pinayagan sa dagat kaya sa pool nalang ako. Nilapitan ko si Ellaine pagkatapos naming mag-dinner. "Uy, 'wag mong sasabihin kay Daddy ang nangyari sa akin ha. Alam mo naman kung gano siya ka overprotective, lalo na sa akin." "Naiintindihan ko, but knowing him and how he is so protective of you, he probably know already." "You think so?" "Malalaman natin pag-uwi. Are you really okay?", tumango ako at niyakap niya ako.  "Hmm, oo nga pala. Hindi mo ba talaga alam 'yung pangalan ng nagligtas sayo?" "Nope, hindi siya halos nagsalita. Palagi ko siyang tinatanong pero hindi siya sumasagot. Okay lang, naiirita din ako sakanya eh." "Ah, anong itsura?" "Hmm, gwapo, maputi, matangkad. Mga 5 years older than us. " "Aba,swerte mo ha." "Parang may mali sa kanya, sa pagkatao niya, parang may something sa kanya na ayaw ko, alam mo 'yun." "Hindi ko alam. Pero kung ako sayo, dapat pinapasalamatan mo nalang siya through getting his number. " "Baliw. Tara na nga. Iayos na natin 'yung bonfire." "Sige tara." We just enjoyed the rest of the night. Pero naiisip ko pa rin 'yung lalakeng nagligtas sa akin. Sayang, hindi ko man lang siya nakilala. Oh well, hindi ko naman na siya makikita. "Tara na Cass!" tawag ni Ellaine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD