Chapter 11

1553 Words
Pumunta ako sa tambayan nila limang oras bago ang party, para sa pag-aayos at final briefing. Nadatnan ko ang mga members na nag-aayos at nagkakabit ng mga recording device sa katawan.  "Ikaw na bahala sakanya.", sabi ni Josh sa make-up artist siguro.  "Sure." Tinitigan ako at sinimulang ayusin ang buhok ko at pagkatapos mukha ko naman. Ang galing niya. Binigyan niya ako ng long dress na pula na medyo mababa ang likod.  "Eto ang isusuot ko?" "Oo, bakit?"  "Wala.", sinuot ko 'yon pero hindi ako masyadong confident sa likod ko at medyo kita konting baby fats ko. Inabutan niya ako ng girdle. "Bawas-bawasan ang kanin girl." Ngumiti ako. Sino siya para diktahan ako? Sinuot ko ang girdle, bago naman siya kasi binuksan ko pa ang package. "Perfect. Pumasok ka na doon. Hinahanap ka na."  Papasok ako sa meeting na ganito?! Kumatok ako at binuksan ni Josh ang pinto at ngumiti siyang habang tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Nice.", sabi niya. "You now look worthy." What does that suppose to mean?! Tinignan ko ang kwarto at nakatulala sila. Ganon ba ako kaganda? Chos.  "Sit down." Umupo ako sa pinaka-malapit na upuan. "Everyone, you can go out and proceed to your assigned posts." Lumabas silang lahat at dalawa nalang kami ni Josh ang naiwan. I can't believe this is the same childish guy who threatened me. Tsk. Tinitigan niya ako. Ang awkward, kita ba baby fats ko? "What?" "Before we start, I want to lay down a few guidelines for you to remember." "Isn't that already stated in the contract?", tanong ko, "Meron pang hindi nakalagay doon." "Like?" "First, you have to act like my real girlfriend. We will hold hands, I will hold you in your waist, I will do things a normal boyfriend would do."  "Woah, wait lang naman ha. You have to be more specific. I'm not that easy you know. I don't let people hold me without my permission." "Kaya nga tayo nag-uusap ngayon, I'm asking for your permission. I don't want to hold you without your consent." Nagulat ako sa sinabi niya, is he really asking for my permission? Hindi ba siya marunong mag communicate?  "Buti malinaw tayo. I'm okay with you holding my hands and my waist BUT since this damn dress is so deep, you can only touch me without touching my skin. Got it?" "Fair enough." "No kissing.", tumawa siya. "What?" "Of course no kissing! What do you think of me? You're not my type."  "Gusto ko lang linawin."  "Okay, and lastly don't dare fall for me." Tumawa ako ng malakas. "It's a precaution, hindi ako 'yung makikita mo mamaya. Everything is all an act." "Same here.", sabi ko. "Since aarte na rin ako, itotodo ko na." "Okay, but please don't do things that will catch people's attention. Let your beauty alone do that for you." "Beauty? You think I'm beautiful?" "Ms. Cassie, kung sa mga simpleng salitang 'to kinikilig ka na papaano kita mapagkakatiwalaang ikakalma ang sarili mo mamaya? Umayos ka."  "Ang sungit mo." Ngumiti siya sa akin. Nakakairita 'yung guts niya grabe. Gabi na at wala nang tao sa labas. Sinundo kami ng isang black na sasakyan at hinatid papuntang venue.  "Talikod.", sabi niya sa akin. Hinawi niya ang buhok ko at may ikinabit sa strap ng gown na maliit na material. "This is a voice recorder, I will let you walk around suspicious people para lang malaman natin kung may pinag-uusapan nila. And this is an earpiece, I will communicate with you through this. Your necklace has a small mic in it so alagaan mo 'yan. And your bracelet, if ever something happens or you are in danger when I'm not around, press the button three times.", sabi niya ng kalmado na parang sampung taon niya na 'tong ginagawa.  "Bakit may ganito? Kinakabahan na ako ah!"  "Do you know how to hold a gun?", tanong niya.  "What the hell?! Why would I know how to handle a gun?!", pasigaw kong tanong. "May dala ka?! Ano ba to?!", tumawa siya.  "Kidding." Hinampas ko siya. "Basta, if you feel like you're in danger, try to get away and press the button three times, someone will come to rescue you." "Ikaw ba 'yon?", tanong ko. "Depende kung malapit ako sa'yo.", sabi ni Josh. "Are you ready?"  "Ready.", sabi ko at binuksan niya na ang pintuan. Humarap siya sa akin para abutin ang kamay ko palabas ng sasakyan. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Nag-iba mukha niya! Mula sa noong halos laging nakakunot, naging malambot ang tingin ng mata niya. Mula sa smirk naging sweet smile. Mula sa nakakatakot na mababang boses naging mababang boses na may halong lambing." "Hon.", sabi niya sa akin. Iniabot ko ang kamay ko at lumabas. Naglakad kami papuntang entrance.  "You look different.", bulong ko. "Remember, dont fall for this. This is not me." So eto pala ang trabaho nila, magpanggap? "Do you plan on doing these kinds of things when you graduate?"  "Please don't talk.", sabi niya. Hindi na ako nagsalita hanggang makarating kami sa hall. Puno ng security ang labas pero cleared na sa loob. Marami akong nakitang politicians at ilang mga artista. Birthday ni Senator Dela Rosa, siya ba si Boss T? "Mr. Joshua, it's nice to see you here. Where are the other members?" OMG Si Peter Martin ng A Love to Last?! Hinigpitan ko ang hawak ko kay Joshua at kinikilig. Ang gwapo niya pala sa personal. Gusto kong magpa-picture sakanya at inggitin si El. "Who's this?" "Sir, this is my girlfriend, Cassie Pineda." "Really? At last may girlfriend ka na rin!", sabi niya. Huh? Wala bang girlfriend to?  "You're one lucky girl.", sabi ni Sir Peter. Ngumiti lang ako nagpasalamat. As much as possible, ang sagot ko lang daw ay ngiti, thank you, you're welcome at "it's okay". Kapag napapahaba na ang usapan at wala si Joshua sa tabi ko, i-excuse ko ang sarili ko para mag CR. I have to avoid conversations.  "You're friends with celebrities?!", tanong ko kay Josh nang nakalayo na si sir Peter.  "Ikalma mo, una palang 'yan. Like what I told you, this party is attended by many famous personalities and businessman in NCR." Baka naman nandito pa si Dad ha, tumingin ako sa paligid at nakita ko ang tatay ko na papasok ng hall.  "Josh, may problema tayo." "What? Chill ka lang." "What if may kakilala ako dito and they recognized me?" "Eh di sabihin mong boyfriend mo ako tapos maghihiwalay din tayo bukas.", sabi niya. "Paano kung tatay ko?", naibuga niya 'yung iniinom niyang wine. "My father is here. Kausap siya ngayon ni Senator. Anong gagawin ko?"  "Anak ka ni Mr. Pineda?!" "Oo, akala ko ba nagbackground check ka sa akin?!" "I was just kidding. Bakit hindi mo sinabi?" "Sinong matinong taong magsasabi ng family background niya as introduction. Malay ko bang kailangan mo ng information na 'yon?" "Hindi mo ba alam na pupunta siya dito?" "Kung alam ko ba mabibigla ako ng ganito? Anong gagawin natin? Aalis na ako!" "Hindi pwede, nandito na tayo.", sabi niya.  "Mas takot akong mapagalitan ng tatay ko kaysa mapahamak dito no. I have to go!"  "Joshua!", napatingin ako kung saan nanggaling ang boses at si Senator 'yon kasama si Dad papunta sa amin. Tumalikod ako kaagad. "Who's this?", tanong ni Senator. "My girlfriend po sir."  "Hello iha?", kinuha ko kunwari ang phone ko at nagpanggap na may katawag. Nakatalikod pa rin ako sakanila. "Busy ata. I'm happy to know that you have a girlfriend now.", sabi ni Senator.  "Yes, after a long time.", sabi ni Josh.  "I was worried you were too traumatized." Traumatized? Why? "Ah by the way, I would like you to meet Mr. Henry Pineda, he is one of the richest businessman here in Metro Manila. Mr. Pineda, this is Mr. Joshua Arsenas,  Head of the Wild Slayers." Nagkamayan sila. "Hello sir, I'm Joshua, you can call me Josh. Head of WS. I heard a lot about you and your visions." "Ah, Thank you. So, you are Devil Slayer?" What? Alam ni Dad ang kakornihang 'to? "Yes po." "I've heard so much about your organization and how you assisted a lot of security operations. I also heard that some of your members are hired as stuntmen?" "Yes po." "Wow. Hindi ba kayo natatakot na baka mapahamak kayo?" "Using our skills for something greater is our passion and our dream. We understand how dangerous it is but we believe that all jobs have their own dangers, just like the path we chose." "Wow, that's very commendable of you. Alam mo 'yung anak ko, sa Malaya din nag-aaral, pinag-aral kong mag taekwondo at iba pang self defense skills para alam niyang idefend sarili niya. Worried lang ako kasi minsan kung sinu-sinong sinisipa niya.", tumawa silang tatlo. Oh my god Dad! "Minsan nga pati puno sinisipa niya, naninipa rin siya ng tambay nung bata siya. Kaya nirereport siya minsan sa akin ng mga kapit bahay." Tumawa uli sila. Kinurot ko si Joshua sa tagiliran.  "Baka gusto niya pong sumali sa Slayers sir?", tanong ni Josh. "Masyado pa siyang immature para sa mga ganyan. Siya kasi 'yung tipo na sugod ng sugod at hindi iniisip mga ginagawa niya. Baka masira operations niyo kung sumali siya." Wow Dad, ganun ba tingin mo sa akin. I'm hurt. "Mukhang busy 'yung girlfriend mo ah."  "Oo nga po eh."  "Sayang, mukhang matino ka pa namang bata. Ipapakilala ko sana 'yung anak ko sa'yo para matuto sa gaya mong bata pa lang eh responsable na." "Soon po sir, baka makilala ko rin siya.", sabi ni Josh. Plastic. Hindi pa rin ako lumilingon hanggang sa makaaalis sila. "Wala na." Hinarap ko siya.  "Huwag kang naniniwala sakanya.", sabi ko. "Tignan mo, pati father mo hindi natutuwa sa kung sinu-sinong sinisipa mo." Pinipigilan niya ang tawa habang tintignan akong nab-bwisit sakanya. Nakakahiya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD