Chapter 19

838 Words
Kinabukasan, bali balita na wala naman daw parusa si Job at Zed, pinag usap lang sila. Kung ako ang tatanungin, school service. Tsk. Hindi pumasok si Zed sa mga klase niya, nag-absent ba talaga 'yon? Baka maga ang mukha? Natapos ang klase ko at papunta na sana ako sa cafeteria nang harangin ako ni Zed. "Cass, pwede ba tayong mag usap?", tanong niya na maga pa rin ang mukha. Siya ba naman makipagsuntukan suntukan sa isang taong may boxing training? "May dapat ba tayong pag usapan?" "Sorry." "Okay. ", sabi ko. "Pinapatawad mo na ako?" tumango ako. "Talaga?"   "Oo, kahit na sinaktan mo si Job.", sabi ko nang seryoso. Mukhang totoo 'yung sinabi ni Job na may gusto nga 'to sa akin. Hindi naman sa ayaw ko pero medyo weird lang kasi. "Ganoon ba siya kaimportante sayo??" "Oo.", sabi ko nalang para tumigil siya. "Look Zed, I like Job so pinatawad ko siya. Kaya para fair din naman sayo,papatawarin na din kita." Iniwan ko siya at naglakad  papuntang classroom pero hinabol niya ako at hinawakan sa braso. "Ano ba Zed! Bitiwan mo nga ako!", sabi ko. "Bakit ba siya lang ang nakikita mo?"   "Ha? Ano bang sinasabi mo?" "Nagseselos ako Cassie." Naloko na. Buti nalang walang mga tao sa paligid namin. "Nagseselos?? Bakit ka magseselos?" "Kasi gusto kita, hindi ba obvious? Gustong gusto! Mahal na nga ata eh." Ew no. "Mahal? Naloloko ka na Zed.", sabi ko. Don't get me wrong, kinikilabutan ako  hindi dahil sa sinasabi nilang hindi siya gwapo. No. He got this look na parang pagmamay-ari niya ako. It 's creepy, he looked like a madman now. "Ikaw lang ang babaeng pumansin sa akin dito sa school,ikaw lang.", sabi niya habang papalapit siya sa akin.   "Alam mo Zed,hindi ka naman mahirap pakisamahan eh per--" "Pero hindi mo ako magustuhan? Kasi pangit ako? Kasi matalinong matalino ako?" Kasi creepy ka! Gustong gusto kong sabihin pero bala masaktan siya.  "Hindi,hindi ako naniniwalang pangit ka. Walang masama sa sobrang matalino pero ang problema lang sayo wala kang self confidence. Alam mo, hindi lang naman ako ang pumapansin sayo eh nandyan 'yung ibang tao, pero ako lang ang nakikita mo. Kaibigan lang ang tingin ko sa'yo at hanggang dun lang talaga Zed " "Pare-parehas lang kayo, sige Cass. Someday, you will realize that you made the wrong choice choosing Job. You don't know him and when that day comes, you'll come running to me. " Kahit iwan niya man ako, hindi ako tatakbo kay Zed na mukha nang r****t ngayon sa inaasta niya at sa kung paano niya ako tignan.   Umalis siya at simula noon, hindi ko na siya nakita ulit. Sabi nila nangibang bansa, sabi ng iba namundok na, sabi ng iba nagpakamatay ka. Napakasama. Lumalim pa ang iniisip ko nang may bumatok sa akin. "Hoy! Ano bang iniisip mo?", tanong ni Josh at umupo sa tabi ko. Nakaupo kami sa bleachers na nakaharap sa university grounds "Wala.", sabi ko at huminga. "Kalahati na ng tatlong buwan, malapit na 'to matapos." "Kating kati ka na ba na lumayo sa akin? Kung ako sayo mageenjoy ako, hindi lahat ng tao nabibigyan ng ganitong opportunity.", sabi niya. Hindi ako sumagot. "Huy.", hinawi niya ang buhok ko na nakapatong sa balikat ko. "Bakit ka ba nandito?!", sabi ko.   "Darating dito si lolo in about 10 minutes. Ayokong mag-isang makipag dinner sakanya kaya isasama kita." "Ha?!" Tatayo na sana ako at tatakas nang nasa likod na pala namin siya. "Oops, 10 seconds pala.", sabi ni Josh. "Lolo!" Ginulo niya ang buhok ko. Nagkamustahan kami habang nakaupo sa may bleachers. Kinwento niya kung paano nila tinatag ng lola ni Josh ang school na 'to. "Kaya, magpakasal na kayo agad para maipamana ko na 'to sainyo." Nasamid ako sa sarili kong laway. Nagtinginan kaming dalawa ni Josh na nanlaki ang mata. "Lolo, maaga pa para pagusapan ang kasal.", sabi ni Josh habang nag aw-awkward laugh. "Hindi, maggraduate ka na Josh, at ilang taon pa, susunod na rin si Cassie. I will arrange a meeting with your parents iha." "Ha? Wait lang po lolo.", sabi ko. Namamawis na kili-kili ko. Is he for real?! "Lolo, huwag po nating binibigla si Cassie. Kahit po mahal na mahal ko siya, alam ko pong masyado pang maaga para isipin niya 'yon. Don't worry lolo, susubukan po naming pag-usapan 'yon." Sa wakas, binitiwan na ni lolo ang topic. Kasal?! Ni hindi pa nga ako tapos sa teenage life ko kasal agad?! Mukha lang akong 25 pero bata pa ako! Inaya niya kaming mag dinner at kung anu-ano pang pinag-usapan namin. Hinatid namin si lolo sa bahay nila, tsaka ako hinatid ni Josh para sa debriefing. Nakahinga ako ng malalim. "Okay ka lang?" , tanong niya na natatawa. "Ganun ba talaga sa pamilya niyo, kapag jinowa kasal agad?! Kaya siguro ayaw nila-", natigilan ako. Wrong. "Ang sarap nung dinner.", sabi ko nalang. "Oo, napaka old school nila. Kaya ayaw nila kay Kaye.", sabi niya. Ayun siya na ang nagtuloy. Hindi na ako sumagot. Hindi kami nag-usap hanggang sa makarating kami sa bahay. "Thank you Cassie for being such a great actress.", sabi niya. "You're not so bad yourself." Bumaba ako sa sasakyan niya. "Good night.", sabi ko. "Good night.", sabi niya na nakangiti. He really surprises me with many personas everyday. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD