CHAPTER 9

1662 Words
Sa totoo lang, mas gusto ko pa sigurong maglinis ng sahig gamit ang kilay ni Ma’am Casie kesa sa mop ko. Bakit ba? Eh kasi naman, kung makatingin siya sa’kin kanina habang naghuhugas ako ng pinggan sa kitchen island—parang gusto niya akong tunawin gamit ang laser eyes ng insecurity. Nakapulupot pa ‘yung Luibiton… ahhh basta LV scarf niya na parang nasa runway, samantalang ako, naka-duster lang na may ketchup stain from breakfast ni Miko. “Excuse me, Mira,” sabay galing ng kanyang boses—parang malamig na yelo na may halong vinegar. “I think the vase is supposed to be in the center. Hindi ba yan tinuro sa inyo sa... kung saan ka man galing?” Umiling ako at ngumiti, habang pinupunasan ‘yung mesa. “Ay hindi po kasi kami nag-v-vase vase sa baryo namin. Ang madalas po naming nilalagay sa gitna ng mesa ay ketchup at mantika.” Bumilog ang mata niya. Nairita. I saw it. Oh, I live for it. Perfecting! “Look, I know Quixotte is being generous letting you work here,” she leaned closer, “but let’s be honest, hindi ka bagay dito.” “Gano’n po ba?” sabay tango ko. “Kaya pala ako tinanggap. Kasi minsan po, ang hindi bagay... ‘yon ang kulang.” Napapikit siya. Umapoy ang ilong. At ako? Deadma habang pinunasan ko ‘yung part ng mesa sa harapan niya—sinadya kong magtagal ng konti sa part kung nasaan ang LV purse niya. Oops. “Mira…” aniya, halatang kinakalma ang sarili. “Do you even know how to use that washing machine sa laundry room?” “Yung kulay silver po? Opo. Dati po akala ko spaceship. Eh hindi naman pala lumilipad.” “Figures,” bulong niya habang tumatawa nang peke. “You’re a joke.” Tumango ako, sabay ngumiti ng mas malaki. “Masaya pong joke kasi at least... napapangiti ang mga tao. Kayo nga po oh, nakatawa pa.” Napakagat siya sa lips niya. Boom. Panalo na naman si Mira. Pero bago pa lumala ang standing war namin sa kusina, bigla kong napansin si Miko sa gilid ng pinto. Tahimik. Nakasilip lang. Hawak-hawak ang paborito niyang stuffed turtle. At ang mukha niya? May kakaiba. Parang... takot. Hindi ‘yung tipong nagulat, kundi ‘yung nagpapanic silently inside. Kinagat niya ‘yung labi niya, at napaatras siya nang kaunti. Napatingin ako kay Casie. Hindi pa siya aware. Busy pa siya sa pagsasaayos ng bangs niya sa front cam ng phone niya. Then tumingin ulit ako kay Miko. At this time, nakapikit na siya. Parang... ayaw niyang makita siya ni Casie. Biglang kinabog ang dibdib ko. “Miko?” tawag ko, dahan-dahan. Nagulat si Casie. “Oh, hey cutie! You’re awake!” sabay tingin kay Miko with that trying-to-be-sweet-but-actually-fake tone niya. Pero hindi lumapit si Miko. Hindi ngumiti. In fact, lalong pumuti ang mukha niya. Naglakad ako papunta sa kanya, lumuhod at dahan-dahang hinawakan ang kamay niya. “Okay ka lang, baby?” Dahan-dahan siyang tumango. Pero kita sa mata niya—hindi siya okay. Not even close. “Are you feeling scaring?” bulong ko. Tumango ulit. “Dahil ba kay Ma’am Casie?” dagdag kong tanong, sobrang hina ng boses. At doon ko nakita ang pinakamasakit na tango sa buong buhay ko. Mahina. Dahan-dahan. Pero puno ng ibig sabihin. Napakagat ako sa labi ko. Tumingin ako pabalik kay Casie, na busy sa pag-picture ng croissant sa platito para sa IG story niya. Basta para daw sa story ‘yon. Malay ko ba kung ano ‘yon eh wala akong ganun. Keypad nga lang na sira-sira ang meron ako eh. May nararamdaman akong something. Parang pinipisil ako sa loob. Hindi lang ‘to simpleng irita kay Casie. Hindi lang ‘to “I don’t like her” moment. Takot si Miko. Sa kanya. Pero bakit? Anong ginawa niya? And more importantly—anong nangyari noon... na hindi sinasabi sa’kin? Kinuha ko si Miko sa kamay, niyakap ko siya at dinala pabalik sa kwarto niya. Pagdaan namin sa gilid ni Casie, napatingin siya sa’kin. “Where are you taking him?” Ngumiti ako ng tipid. “I’ll taking him somewhering he actually wanting to be.” Pak! Perfecting! Nag-roll siya ng eyes. “Mira, don’t get too comfortable here.” Tumingin ako pabalik sa kanya, mas banayad ang tono ko this time. Pero diretso. “Comfortable po? Ako? Hindi po. Pero alam ko kung sino ang hindi kumportable kapag nandito kayo.” Nag-blink siya. At kita ko. Nabitawan niya ang attitude niya kahit isang segundo. At ako? Lumakad papalayo, buhat si Miko, habang naririnig ko sa likod ko ang heels ni Casie na naglalakad pabalik sa salas—malamang boiling sa inis. Pero wala na akong pake. Kasi may mas mahalagang bagay na kailangan kong alagaan ngayon. Tahimik ang buong kwarto ni Miko habang hawak ko ‘yung tray ng snacks na inihanda ko after ko siyang dalhin doon. Medyo nag-effort ako ngayon—may sliced apples in the shape of bunny ears na medyo naging weird ang itsura pero effort is presentation pa rin naman, saka toast na may smiley face gamit ang chocolate spread. Naglakad ako pa-konti-konti papasok, habang dahan-dahang nag-swing yung tray sa kamay ko. Parang waiter sa kanto, pero naka-apron ng Barbie. “Hi baby,” mahina kong bati habang binuksan ko ng konti ang pinto. Si Miko, nakaupo sa sahig malapit sa may bintana. Nakatalikod siya sa’kin, pero kita ko na nakasandal ang ulo niya sa curtain. Nilapag ko yung tray sa maliit na table. “I brought you snacks, you want to eat na?” Wala pa rin siyang imik. Normal na. Pero never akong nasanay. Masakit din minsan ‘yung katahimikan na may laman. Lumapit ako sa kanya, naupo sa sahig sa tabi niya. “Looking oh! Gumawa ako ng apple bunnies, but I think they turning into… parang alien?” Natawa ako ng konti sa sarili ko. Siya? Wala pa rin. Pero hindi ko ‘yon iniinda. Sanay na akong kausapin si Miko kahit ako lang ang nagsasalita. Feeling ko naman, naririnig niya ako. At kahit minsan walang sagot, lagi ko siyang kinakausap kasi baka, just maybe, isang araw... siya na ‘yung unang magsalita. Kinuha ko ‘yung toast at sinubo ng kaunti. “You want trying? It’s very masarap. I promise, hindi siya expiring.” Wala pa ring imik. Pero gumalaw ang kamay niya. Nilapit niya sa tray, at kinuha ang isang apple bunny. Success! “Yehey!” mahina kong bulong. “Mission is successfulling. The bunny was accepting.” Kumain siya ng dahan-dahan. Ang cute-cute niya talaga. Malambot pa rin ‘yung bangs niya na parang sinuklay ng hangin. Minsan gusto ko na siyang yakapin buong araw pero baka matakot. Kaya hinayaan ko na lang. Company lang. ‘Yun lang ang meron ako. Habang sabay kaming kumakain, napansin ko na kanina pa nakatitig si Miko sa may bintana. Doon sa malaking siwang na nakaharap sa bakuran ng mansyon—at sa may kalayuang lumang parke. ‘Yung parang antique playground na may kalawang na swing at luma nang slide. Wala namang naglalaro doon kasi kadalasan, mga uwak lang ang nagka-camping doon. “Hmm…” sabay kagat ko sa toast. “You like the parking, Miko?” Wala pa rin. Tumingin ako sa kanya. Hindi siya kumikibo pero parang lalim ng iniisip niya. May hawak pa siyang isa pang apple bunny sa kamay, pero hindi pa niya sinusubo. “Do you wanting… ano… go there?” sabay turo ko sa bintana. “You want to go the there? In the parkings?” Tumingin lang siya sa akin. Walang tango, walang iling. As in, zero reaction. Pero ‘yung mata niya, parang nagsasalita. Nagtili nang mahina ang puso ko. Kasi kahit wala siyang sinabi, naramdaman ko na may gusto siyang sabihin. Pero hindi niya kayang ilabas. “Miko…” sabay haplos ko sa buhok niya, “I know it’s hard… super hard. Like when I’m ironing and the clothes is still crumpled. Like that level.” Napatawa ako. Siya, hindi. Pero at least hindi siya umalis. “Pero if you want go there, just blink two times. Or… scratch-scratch mo lang head mo. Or…” sabay kurot ko sa pisngi ko, “pahiyaw ka lang ng konti. I will understand it. Because me, Mira, is master of feelings now. Besideness, magaling din ako sa English speaking with correct of grammars and all.” Walang reaction. Pero—he blinked. Twice. Napasinghap ako. “IS IT A YES?!” Si Miko, nagulat. Napatingin sa akin ng bahagya, parang sinisisi niya ako kung bakit bigla akong sumigaw. I covered my mouth. “Sorry sorry! I forget you don’t like loudness! Sorry po baby prince!” Lumapit ako sa kanya ulit. “So… maybe this Saturday, we go to park? I will bringing snacks and water. And small towel. And alcohol. And wipes. And more wipes. Kasi I think kalawang everywhere.” Bumalik siya sa pagkain niya. I took that as a yes. My delulu is strong today. Nagpatuloy kami sa tahimik na merienda. ‘Di kami nag-uusap, pero ‘di rin kami tahimik sa damdamin. Isa sa mga moment na alam mong hindi kailangan ng words, kasi ‘yung presensya lang sapat na. Habang sinasandal ko ang ulo ko sa tabi ng bintana, sinulyapan ko ulit ‘yung park. Ang tahimik. Ang lungkot ng itsura. Pero may kung anong vibe doon na parang... nakaraan. May multo ba doon? O baka alaala. At si Miko? Baka... doon siya huling naging masaya. O baka doon niya huling nakita ang isang bagay—na hanggang ngayon, ay hindi pa rin niya makalimutan. At ako? Ako lang si Mira. Ang lutang na katulong. Pero kahit ganon ako, kahit ‘di ako marunong sa grammar, kahit ‘di ako marunong sa tamang appliances… Marunong akong magmahal. At willing akong sumama sa kahit anong tahimik na lugar, basta kasama siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD