Maaga akong nagising.
As in, sobrang aga na kahit ‘yung manok sa kabilang barrio mukhang natutulog pa.
Nagpasya akong magluto ng champorado. Wala lang, feel ko lang magpasaya ng tiyan ni Miko. At siyempre, baka sakaling matuwa rin si Sir Don Quixotte. Baka, lang naman… baka sa init ng champorado, matunaw ang lamig ng ugali niya.
Naglagay ako ng konting evaporada sa gilid—pang-art ng presentation—tapos may chocolate sprinkles sa ibabaw na parang smiley face.
“Pwede na ‘to. Five-star worthy sa Carinderia Awards,” bulong ko habang naglalakad papuntang kwarto ni Miko.
Pagbukas ko ng pinto, andun na siya—nakaupo sa sahig, hawak ang ilang pirasong crayon at ‘yung lumang scratch paper na nakuha siguro sa may printer ni Sir.
“Miko?” mahinang tawag ko. “Gising ka na pala, baby. May almusal ako para sayo. Champorado! Favorite ng buong barangay!”
Pero hindi siya tumingin.
Busy siya.
Nagdo-drawing.
Lumapit ako, dahan-dahan, at naupo sa tabi niya. Tahimik lang siya habang inaabot sa’kin ‘yung papel.
Simple lang ang drawing. Stick figures lang. Tatlo sila.
Isang maliit na batang may short hair—siya, obviously.
Isang babae na may mahaba at curly na buhok na may nakasulat sa itaas: “Mama.”
At isa pang babae. May short hair. May parang bilog sa tabi ng ulo niya—hindi ko alam kung ribbon ba ‘yon, o kanin sa tinga.
Tapos nakalagay sa ilalim:
"Mira."
Napahawak ako sa dibdib ko.
Diyos ko. Pakisampal nga ako kung nananaginip ako.
“Ginuhit mo ‘to?” tanong ko. Umiiling-iling pa ako na parang hindi makapaniwala. “Ako ‘to? Si Mama Lexi... at ikaw?”
Tumango si Miko. Dahan-dahan. Ngiti.
Oo, ngiti. As in, ngiti na may kilig.
Feeling ko may fireworks sa background, may slow-mo moment, may violin music. Para akong nanalo sa isang TV show kahit hindi ako nag-audition.
“Miko…” sabay yakap ko sa kanya. Mahigpit. Maingat. “Thank you, baby. Thank you sobra. Ang galing mo. Ang ganda ng drawing mo.”
Pero sa gitna ng yakap namin, may naramdaman akong presensya sa may pinto. Hindi ako psychic, pero may sixth sense ako ‘pag si Sir Don Quixotte na ‘yan. Parang may sariling gravity ang mga tapak niya.
Paglingon ko, andun nga siya.
Nakasuot ng itim na robe, mukhang bagong gising, hawak ang tasa ng kape. Tahimik lang siya. Wala siyang sinabi. Hindi siya pumasok.
Pero hindi rin siya umalis.
Tinitigan niya lang kami.
Tapos napatingin siya sa papel sa kamay ko. Dahan-dahang umangat ‘yung kilay niya, pero hindi galit. Hindi rin gulat. Parang… parang may alaalang biglang dumaan sa mata niya. Yung tipong hindi niya inaasahan, pero hindi rin niya kayang suwayin.
Nakatayo lang siya roon. Walang kibô. Pero sa dami ng hindi niya sinabi, parang nagsisigawan ‘yung damdamin niya.
Hindi ko siya kinausap. Hindi rin siya lumapit.
Pero isang bagay ang napansin ko—
Hindi niya ako pinagalitan.
At mas nakakagulat pa…
Hindi niya sinabing alisin ang drawing.
Hinayaan niya.
Hinayaan niya si Miko.
Hinayaan niya ako.
At doon ko naramdaman: baka... unti-unti.
Baka hindi na ako simpleng alalay lang na palaging pinapagalitan.
Baka hindi na ako ‘yung sablay mag-English at laging maling juice ang naihahain.
Baka hindi na ako ‘yung umaasa lang ng pasensya ni Sir.
Baka… nagsisimula na akong maging parte ng bahay na ‘to.
At kung hindi man ‘yon malinaw sa kanya…
Malinaw na malinaw ‘yon kay Miko.
At sa totoo lang, sapat na muna ‘yon sa ngayon.
“Come on, Miko,” bulong ko habang hawak ang kamay niya. “Tara na, may champorado tayo. May smiley face pa nga sa ibabaw, oh!”
Tumayo siya, hawak pa rin ‘yung drawing.
At habang lumalabas kami ng kwarto, naramdaman ko ang sulyap ni Don Quixotte.
Hindi ako lumingon.
Pero alam ko.
Hindi na siya galit.
Hindi pa siya masaya. Pero hindi na siya kasing lamig ng dati.
At sa mundong puno ng sugat at katahimikan…
Isang drawing lang pala ang kailangan para magsimulang gumaling ang lahat.
Okay, listen—
I know hindi ito fiesta.
Hindi ito birthday.
At lalong hindi ito big deal para sa ibang tao.
Pero para sa akin?
‘Yung isang salitang “Mama” na galing kay Miko?
May panalo na akong trophy.
At ‘yung drawing na may pangalan ko sa ilalim? Aba, parang may bagong titulo na ako: “Mira Marinduque, honorary nanay ng batang walang trust sa mundo.”
Kaya heto ako ngayon sa kusina, naka-apron, may flour sa ilong, at pinipilit lutuin ang pinaka-fancy-but-feeling-humble kong almusal: pancakes.
Syempre dadagdagan ko ang champorado lang ‘no. It is nothing enough.
Hindi basta pancake, ha?
May chocolate chips sa gitna.
May condensed milk drizzle.
At may pa-banana smile sa ibabaw.
“O diba,” bulong ko habang nilalatag ang tray. “Pang-buffet kahit hindi buffet. Charot.”
Syempre kahit palpak ako, I know naman paano mag luto. Heh!
Naglagay din ako ng maliit na papel sa tabi ng pancake ni Miko. Sinulatan ko ng:
“Congrats Miko! First word mo! Love, Ate Mira.” tapos nilagyan ko ng heart emoji sa huli.
Hindi ako sigurado kung marunong na siyang magbasa, pero basta may effort ako, okay na ‘yon.
Pag-akyat ko sa kwarto niya, nando’n na siya, naka-upo sa may sofa, hawak pa rin ang drawing niya. Tahimik siya, pero mukhang okay ang mood niya ngayon.
“Good morning, baby!” bati ko habang tinataas ang tray. “Special breakfast para sa special boy!”
Napatingin siya sa tray, tapos sa akin.
And boom—konting smirk.
Half-smile. ‘Yung parang ayaw pa niyang ibigay nang buo, pero effort counts.
“In fairness, ha. Ngumiti siya,” bulong ko sa sarili habang nilalatag ang pagkain. “Sarap ng feeling. Parang hindi na ako total stranger.”
Habang pinapasubo ko na sa kanya ‘yung unang slice ng pancake—
BLAG.
Nagbukas ang pinto.
At ayun.
Don Quixotte.
Siguro tapos na syang maligo o may inasikaso lang after niya makita ang drawing kanina. And now, he's backing to me. To Miko too.
Fresh from the shower look. Suot niya ‘yung simpleng polo at slacks. Wala pa ring ngiti. Pero mukhang hindi siya galit.
“Oh. Um…” Tiningnan niya ‘yung tray. “Ano ‘to?”
“Ah! Um... mini celebration po,” sabay ngiti ako habang hawak pa rin ang kutsara. “Kasi po, first word ni Miko kahapon. Naisip ko po baka mas okay ‘pag may konting... fun. Pancake lang po at champorado. Hindi po ito party-party. Promise po, hindi ako nagpa-catering.”
Tahimik siya. Tumingin kay Miko, na ngayon ay ngumunguya ng pancake na parang wala siyang pakialam sa tensyon sa paligid. Iconic.
“I see,” sabi ni Sir, tapos biglang… umupo.
Yes. Umupo.
Doon sa tabi ni Miko.
Ni hindi ako nakagalaw. ‘Yung kamay kong may hawak ng syrup, nanigas.
“May extra ba niyan?” tanong ni Sir, kalmado lang.
“Po? A-ah, opo! Meron po! Meron pong maraming marami!” halos tumili akong nag-slice ng bagong pancake para sa kanya.
Naglagay ako ng syrup, nilagyan ng chocolate chips, pero ‘yung smiley face? Hmm. Nilagyan ko rin. Kunyari accident.
Inabot ko sa kanya. Tinanggap niya.
Walang sinabi.
But he ate it.
He. Ate. The pancake.
At nagustuhan niya, kasi tahimik lang siyang kumain.
At kung kilala mo si Don Quixotte, silence is approval.
Tumingin ako kay Miko, na ngayon ay parang chill lang habang kumakain. Umabot siya sa tubig. Sinalinan ko agad.
“Dahan-dahan, baby. Baka ma-choke ka sa excitementhing, ha?”
Sumulyap si Sir sa akin.
Tiningnan niya ‘yung drawing na hawak pa rin ni Miko.
“Is that from kanina? Did he make that for you?” tanong niya, diretsong tingin.
Napakagat ako sa labi. “Um… hindi ko po alam. Basta po binigay niya lang sa’kin kaninang umaga.”
Tahimik siya. Tumango lang.
Then said something na hindi ko in-expect.
“Thank you.”
Nalunod ako sa hangin ng sarili kong hininga.
“H-ha?”
“Thank you,” ulit niya. “For the pancake. And… for Miko.”
My jaw? On the floor. My soul? Floating sa taas ng chandelier.
“W-walang anuman po, Sir…” mahina kong sabi. “Ginagawa ko lang po ‘yung kaya ko.”
He didn’t reply. Tumango lang siya, tapos nagpatuloy sa pagkain.
Pero deep inside?
Girl, he said thank you.
Si Don Quixotte. Nag-thank you. Sa’kin. Sa wakas.
Sumulyap ako kay Miko, na ngayon ay sinusubuan ako ng sarili niyang pancake. Natatawa siya ng konti, ‘yung cute na natatapon pa yung syrup sa kamay ko.
At habang abala ako sa pagpupunas, sumulyap ako ulit kay Sir.
Tahimik pa rin siya. Pero ‘yung tingin niya kay Miko—soft.
Hindi halata sa mukha niya, pero may kirot. May lungkot. Pero may kakaibang gaan.
And for the first time…
Parang hindi na masyadong malamig ang umaga.