Ang lakas ng ulan. Tumutusok na parang karayom sa braso ko, sa mukha ko, pero wala akong pakialam. Ang mahalaga lang ngayon ay kung saan pwedeng napunta si Miko. Pero eto, nasa harap ko si Boss Don, basang-basa rin, malamig ang tingin, at… ayaw talaga akong paniwalaan. “Boss…” hinga kong muli, nanginginig pero diretso ang mata sa kanya. “Puntahan na po natin. Please.” Pero hindi siya kumibo. Tinagilid lang niya yung mukha niya at parang lalong humigpit yung panga niya. “Boss, kung ayaw mo po, eh di ako na lang. Basta subukan natin. Baka nga nandun siya—” “I told you already!” bigla niyang sigaw, malakas at mabigat na parang kulog sa tenga ko. “Wala kang alam sa pamilya ko, Mira. Stop acting like you know everything!” Napapikit ako sa bigat ng tinig niya. Hindi ko na mapigilan yung pag

