TEASER

280 Words
Amara! Amara!" Halos isang oras na akong nagsisigaw dito sa labas ng mansion upang kunin ko si Amara. "Zacharias" si Ante Melody ang lumabas,malumanay lamang ang kanyang boses na hinarap ako,wala akong inaksayang oras kahit lumuhod pa ako sa harapan niya para ilabas lang nila si Amara. "Ante,please nagmamakaawa ako sayo ilabas mo na si Amara" pagmamakaawa ko,lumapit si Ante Melody sa akin na malamlam ang mga matang pinagmasdan ako. "Zacharias makinig ka,kalimutan mo na si Amara" "ante dahil ba mahirap lang ako?at wala akong maipagmalaki sa kanya kaya ayaw niyo sa akin para sa kanya ha ante?" "That's not what you think Zaki,alam mong minahal ka namin at tinuring ng asawa ko na parang anak na namin" "Pero Ante kilala nyo ako di ba?sinakripisyo ko lahat,kinalimutan ko ang trahedyang nangyari sa pamilya ko dahil sa inyo sa pagmamahal ko kay Amara,hindi pa ba sapat yun?" "Zacharias ikaw mismo nakita mo kung paano naghirap ang anak namin sa piling mo! Nagtanan kayo!pinaranas mo sa kanya ang hirap ng buhay na hindi nya naranasan sa aming mga magulang nya at nasasaktan kami du'n. Kung talagang mahal mo si Amara kalimutan mo na siya at magpaka layo layo na..patawad pero oras na para bitawan ka na namin Zacharias,minahal ka namin alam na alam mo yan,ngunit mas nanaig sa amin bilang magulang ni Amara na isaalang alang ang kanyang kinabukasan" "Ante kaya ko namang buhayin si Amara,hindi lang sa paraang gusto nyo dahil wala akong bilyones tulad ninyo,pero alam ng dios kung gaano ko siya kamahal" pagsusumamo ko sa harapan nya. "patawad Zacharias..sa ngayon hindi mo pa maintindihan kung ba't ginawa namin 'to ng asawa ko..mauunawaan mo rin ang lahat sa tamang panahon...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD