CHAPTER 1

1536 Words
Zacharias' POV "Mama saan na naman tayo titira?"malungkot kong tanong kay Mama na napahalukipkip dito sa may baro-barong naming bahay. "Hwag ka ng maraming tanong Zacharias bihisan mo na si Mitchy para makaalis agad tayo dito" tamad akong nag impake ng aming gamit,marahil ay may ginawa na naman itong hindi maganda kaya nagmamadali na naman kaming umalis dito sa binabantayan naming sakahan. Nandito kami ngayon sa isang malawak na hacienda,dito daw nagtatrabaho si Papa mga ilang buwan na rin,pinasunod kami dito dahil mag aani daw ng tubuhan kulang ang kanilang tauhang mga tapasero. "Rigor pakainin mo muna kami kanina pa kami nagugutom sa biyahe" reklamo ni Mama,sakto lang kasi ang pamasahe namin,nagbaon lang ako ng tubig pampawi sa uhaw alam ko kasing walang pera si Mama. "wow kuya ang ganda naman dito,gusto kong tumira dito" sinaway ko si Mitchy nagtatakbo agad ito sa loob ng malaking bahay. "Mitchy hwag kang tumakbo baka makabasag ka dyan" kasasaway ko nga lang sa kanya ay hindi nga ako nagkamali at nakabasag na. "who are you bakit mo basag jar?'' paglingon ko isang bata na tantya ko ay kasing edad ni Mitchy ang dumating "pakialam mo kung basag ko jar!" "Mitchy!" pinagalitan ko si Mitchy ito pa ang nagkasala ay siya pa ang nang away sa bata marahil anak ito ng may ari ng Spanish style na bahay. "Ami ano yung narinig kong nabasag?" namutla ako nang papalapit na sa gawi namin ang buntis na babae sa takot na baka pagbayarin kami sa nabasag na jar,sigurado akong mamahalin ito base na rin sa mga desinyo at antigo ng nasa loob na mga kagamitan. "Mommy basag nya jar" pagsusumbong ng bata sa ina niya na itinuro ang kapatid ko,napahawak naman sa dibdib ang buntis na babae pagkakita sa antigong jar na nabasag ni Mitchy,mabilis agad akong humingi ng tawad. "Madam ako na po ang humihingi ng tawad sa hindi pag iingat ng bunso ko po" yuko kong paumanhin "Sino at taga saan kayo?bakit ngayon ko lang kayo nakita dito?" tanong nya na may pagtataka. "ahm mga anak po kami ni Rigor Madam ang bagong tauhan ninyo po,kararating lang namin galing probinsya" salitan nya lang kaming pinagmasdan ni Mitchy,halos hindi ko na maikilos ang katawan ko sa sobrang kaba na baka pagbayarin nya kami sa nabasag. "sa susunod sabihan mo na lang ang kapatid mo ha na hindi laruan dito sa loob ng ancestral house,dahil marami ang pwedeng mabasag" lumuwag ang dibdib ko sa kanyang sinabi na pinatawad nya si Mitchy aa nagawa nitong kasalanan. Nagboluntaryo na lang akong maglinis sa mga nabasag,tinalikuran nya na kami,tinawag nya ang batang babae ngunit nagpaiwan lang ito na nakatingin lang sa akin,ngumiti ito nginitian ko rin. "cute" kako sa bata na hindi na humiwalay sa akin hanggang sa natapos ko ang pagliligpit. Buwan mula ng dumating kami dito ay nakagaanan ko agad ng loob ang batang si Amara,sobrang lambing nito sa akin na mas malapit pa ang loob ko sa kanya kaysa bunso ko bagay na ikinaselos palagi ni Mitchy Nanonood lang kami ng cartoons dito sa may sala kinarga ko si Amara,paborito niyang upuan ang paa ko kaya sa tuwing nanonood kami ng cartoons ay kandong ko ito palagi, nang bigla na lang hinila ni Mitchy ang maliit nitong braso "alis ka dyan hmp! kuya ko yan!" "araay!" sigaw ni Amara,kaya pinagalitan ko agad ang bunso ko. ''bad ka kuya! isusumbong kita kay Mama! away mo ako" pagmamaldita niya. "eh di isumbong mo,sumusubra na yang ugali mo! hindi ka naman inaano ni Ami nananadya ka na" napatakbo ito sa labas pinabayaan ko na lang sanay naman na ako na pinapagalitan ni Mama,inalo ko agad si Amara natamaan ito sa mata at namula agad. "kuya Aki hapdi eyes ko" nag alcohol muna ako bago ko inihipan ang mata nya. "mahapdi pa ba baby?" tanong ko,naluluha kasi ito na baka ma iritate. "di na kuya Aki" ngumiti na ito,lumuwag din ang pakiramdam ko sa takot na magagalit na sa amin si Ante Melody oras na malaman nya ang ginawa ni Mitchy kay Ami. Ilang araw ko ng napapansin na nasa labas lang si Ante Melody malungkot ito at mukhang may inaabangan,sa tuwing may mga pribadong sasakyan na dumadaan sa hacienda ay nagtatakbo agad siya,kaya nagtaka na rin ako kung nasaan ang asawa niya,na sa pagkakaalam ko ay ang lalaki ang anak ng may ari ng hacienda,kung ganun asan pala ito,yan ang katanungang bumabagabag sa akin. Halos gabi-gabi ring umiiyak si Amara hinahanap ang Daddy nya,may isang beses pa nga ayaw matulog ni Amara nag iiyak,nasa sala lang sila nu'n naawa na ako kay Ante Melody,malaki na ang tyan nya,nagpapakarga pa si Amara sa kanya sa tuwing sinusumpong ito kaya nag boluntaryo ako na kargahin ko ito para makatulog na. 🎵tulog na tulog na baby ko,tulog na hmmm..hmmm tulog na🎵 kinakantahan ko ito habang hinehele. "kuya Aki miss ko daddy ko" naluluha niyang saad,kahit hindi ko pa nakikita ang padre de pamilya nila batid ko na mahal na mahal nila ito. "Hintayin lang natin daddy mo baby ha,abala lang daw sa work" pagsisinungaling ko kahit wala naman akong alam kung nasaan din ito,sinasayaw sayaw ko muna siya at hinihipo sng likod para makatulog na pasalamat din ako,kahit sampung taon pa lang ako ay malaking bulas na ako na hindi ko namana kina Mama at Papa ang tangkad ko at laki ng katawan. Dinig ko pa na lihim na umiiyak si Ante Melody nakatingin lang sa kawalan na hinahaplos ang malaki na niyang tyan,sabi ni Mama mukhang makakasabay daw niya sa panganganak si Ante dahil kaparehas daw ang kabuwanan nila. Pagkatapos kong ihele si Amara ay nakatulog na ito,basa ang damit ko sa balikat dahil sa kaiiyak niya kanina habang hinihele ko hinahanap daddy nya. Nagpasalamat si Ante na napatulog ko si Ami,lumabas na rin ako at dumiretso na sa kamalig,doon ako natutulog palagi upang magbantay sa mga alagang hayop. Halos gabi-gabi ko na itong hinihele,manganganak na kasi si Ante hirap na itong makarga si Ami sa akin lang kasi hindi ito mailap kaya pinagtyagaan ko talaga siya,ginawa ko rin ito dala ng hiya ko sa mga lihim na illegal na ginagawa ng mga magulang ko. Isang beses kong nahuli sina Mama at Papa na nagpupuslit ng kambing para ibenta sa bayan,sinaway ko ang mga ito,nagalit si Mama tinakot nya ako. "Kapag marinig ko Zacharias na nagsusumbong ka doon sa buntis ay palalayasin ka talaga namin ng ama mo!" pananakot nila sa akin sa tuwing nahuhuli ko sila na may illegal na ginagawa mula pa sa mga dati naming binabantayang mga lupain,kaya hindi kami nagtatagal ay ninanakawan ito ng mga magulang ko,masamang gawain na hindi ko kayang maarok pero wala din naman akong magawa dahil nga bata pa ako sa takot na baka sa lansangan ako titira kapag isusumbong ko sila at mapapalayas ako. Isang gabi nagulantang ang lahat nang sumiklab ang malawakang sunog sa buong hacienda at ang masaklap si Papa ang suspek na siyang may pakana ng lahat Mabilis akong napatakbo sa may ancestral house nang makita ko si Ante Melody karga si Amara hinahanap ko agad sina Mama at Mitchy. "Ante nasaan si Mama at bunso ko?" kabado kong tanong. "Mama!! Mitchy!" parang nawala ako sa sarili nang malaman ko kay Ante na nasa loob sina Mama hindi nakalabas ng ancestral house. "Mamaaaaa!" sigaw na ako ng sigaw,nagkagulo na ang mga tauhan dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy.Paglingon ko wala na sina Ante sa likod ko,hinanap ko agad sila dala na rin ng takot na madamay ako sa galit nila kay Papa kaya nagtatakbo na ako upang hanapin kung saan sina Ante Melody at Amara nagpunta. Nagbabakasakali ako sa short cut na daan dahil ito lang ang may ilaw sa unang kanto,ang hindi alam ni Ante na mag isang poste lang yun na may ilaw,sa kabilang daan ay walang poste sa pinakaunang bungad ngunit sa susunod na kanto ay lahat meron na,kaya doon ako sa short cut na daan dahil hindi kabisado ni Ante ang daan malamang doon sila patungo ni Ami. At hindi nga ako nagkamali naabutan ko sila ni Ami mahinang naglalakad dahil manganganak na si Ante. "Ante!" Ante!" sigaw ko,nagtatalon na si Amara pagkakita sa akin. "Mommy kuya Aki!" umiiyak ako na humihingal. "Ante wala na sila Mama" hagulgol ko,inalo naman ako ni Ante sa masaklap na sinapit ng Mama ko at ni Mitchy,ngunit impit na napasigaw bigla si Ante Melody dahil sa sakit ng tyan niya. Dahan-dahan lang kaming naglakad patungong hospital ng bayan,kinarga ko si Amara,nahintakutan na ako dahil sunod-sunod na ang pagdaing ni Ante "baby baba ka muna ha kukuha lang ako ng dahon ng saging" binaba ko si Amara,pinaupo ko muna si Ante Melody at sinabing hahanap ako ng tulong may kubo sa unahan isa,sa mga tapasero para madala agad sa hospital si Ante Melody. Mabilis akong napatakbo,pagbalik ko bitbit ang tapasero ay may nakasalubong kaming sasakyan,ang asawa ni Ante Melody ang dumating! Pinasakay niya kami kita ko ang maaliwalas na mukha ni Ante at Amara pagdating ng kanilang Padre de Pamilya si Sir David At dito na nga nagsimula ang pakikipagsapalaran ko sa buhay kasama ang mga taong kumupkop sa akin ang pamilyang Cervantes at ang pakikibaka ko sa mundo ng pag ibig kapiling si Amara....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD