Zacharias' POV Maaga akong umalis patungong bayan,tumawag si Brigidaire General Ford tinanong ako kung kailan ako balak magpa re enlist sa pagiging Army.Natapos ko ang anim na buwang training,at ang huling mga buwan ko ay may kontrata akong pinirmahan.Babalik man ako pero wala pa sa plano.Ayoko munang iwan si Amara.Isang taon din akong nangungulila sa kanya,tiyak masasaktan yun kapag nagdesisyon ako ng padalos-dalos. Dinaanan ko na rin ang puntod ni Mama at Mitchy para linisan,halos isang taon ko ring hindi ito nadalaw. Pagbalik ko sa hacienda ay naabutan ko sa kwadra si Mang Rico na pinapaliguan ang mga kabayo,naalala ko tuloy na kukumpunihin ko pa pala ang Kamalig,nasira ito nung isang gabi sa ginawa namin ni Amara. Sa ngayon ayoko munang mag isip ng negatibo ukol sa naganap sa pagit

